Mariing kinukundena ng PAMANGGAS ang walang habas na ๐ข๐ฆ๐ณ๐ช๐ข๐ญ ๐ฃ๐ฐ๐ฎ๐ฃ๐ช๐ฏ๐จ๐ด ng mga militar sa kabundukan ng Sitio Burak, Alimodias, Miag-ao, Iloilo noong December 1.
๐๐ท๐ฆ๐ณ๐ฌ๐ช๐ญ๐ญ, kahindik-hindik na pagpatay at lantarang bayolasyon sa ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐ at ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐น๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐ (๐ช๐จ๐น๐ฏ๐น๐ฐ๐ฏ๐ณ) ang pananaw ng Pamanggas sa naturang pamomomba kung saan nag-iwan ng malaking pinsala sa tao at kapaligiran. Base sa reports, may hindi bababa sa 7 hinihinalaang mga rebelde ang nasawi sa nasabing pambobomba. May isang ๐ฃ๐ฐ๐ฅ๐บ ๐ฃ๐ข๐จ na puno ng pira-pirasong katawan ng tao, at may isang nagmistulang โ๐ค๐ฐ๐ณ๐ฏ๐ฆ๐ฅ-๐ฃ๐ฆ๐ฆ๐งโ base na rin sa pahayag ng mga militar.
Nag-iwan din ng dalawang malalaking ๐ค๐ณ๐ข๐ต๐ฆ๐ณ ang nasabing pamomomba. Sinabi mismo ni Major Gen. Benedict Arevalo, ang commanding general ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, mula sa report ground troops na naglikha ito ng isang ๐ค๐ณ๐ข๐ต๐ฆ๐ณ na may labinlimang talampakan (15 ft) ang lalim at dalawmpung talampakan (20 ft) ang lapad. Kasya ang 50 kalabaw kung pagtatabihin sa nasabing butas na ginawa ng isang bombang ibinagsak ng mga militar. Sa sobrang lakas ng bombang inihulog ng mga militar ay ramdam ng isang upisyal ng barangay ang pagyanig ng lupa kahit ilang kilometro ang layo nito sa pinangyarihan ng insidente.Ang lawak ng pinsalang idinulot ng pamomomba ay nagpapakita ng sobrang dahas na ginamit ng mga militar na klarong bayolasyon sa ๐ณ๐ถ๐ญ๐ฆ๐ด ๐ฐ๐ง ๐ธ๐ข๐ณ.
Ang mismong paghulog ng bomba gamit ang isang aircraft ay bayolasyon ng International Humanitarian Law dahil ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช๐ด๐ค๐ณ๐ช๐ฎ๐ช๐ฏ๐ข๐ต๐ฆ ito sa esensiya kahit pa sabihin ng militar na ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ค๐ช๐ด๐ฆ ang lokasyon ng target nila, at dahil na rin sa epekto nito hindi lamang sa tao kundi mismo sa bukirin at kabuhayan ng mga naninirahan sa nasabing lugar. Nasa nasabing batas ang pagbabawal sa indiscriminate na pamomomba na maaring makaapekto sa mga sibilyan, at mga โ๐ค๐ช๐ท๐ช๐ญ๐ช๐ข๐ฏ ๐ฐ๐ฃ๐ซ๐ฆ๐ค๐ต๐ดโ lakip na ang mga bukirin at kapaligiran mula sa pinsalang idudulot ng aerial bombings. Sa mga naratibo ng mga magsasaka sa Samar, Bukidnon at Butuan, malaking pinsala ang dinulot ng pamomomba ng mga militar sa kanilang komunidad.
Sinira nito ang mga sakahan pati ang mga pinagkukunan ng magsasaka ng kanilang mga kabuhayan. Dinulot din ng pamomomba ang pagkasira ng kapaligiran gaya ng nangyaring sunog sa kabundukan ng Bukidnon dala ng pamomomba ng mga militar. Dapat na panagutin ang mga militar sa walang habas nitong pamomomba sa mga kanayunan.
Dapat ding ipanawagan ang pagtigil na sa aerial bombings sa mga kanayunan dahil na rin sa laki ng pinsalang idinudulot nito. Plano pa ni Maj. Gen. Arevalo na maglunsad pa ng pamomomba sa hinaharap dito sa isla ng Panay. Dapat na igiit at malakas na tutulan ang mga tangka at plano pang pamomomba ng AFP ng mga kabundukan. Nananawagan din kami ng isang indepedyenteng imbestigasyon sa pinangyarihan ng pamomomba ng mga militar upang matasa ang lawak ng pinsala na idinulot ng nasabing pamomomba sa kabuhayan at seguridad ng mamamayan sa lugar. At higit sa lahat, malakas na ipanawagan ng publiko ang pagsunod ng militar at gubyerno sa mga kasunduan sa pakikipaggiyera gaya ng IHL at CARHRIHL. ###