Pagtaas ng self-rated poverty ng mga Pinoy, patunay na naghihirap ang masa sa Bagong Pilipinas ayon sa mga magsasaka

Sinabi ngayong araw ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na boladas lang ang Bagong Pilipinas ni Bongbong Marcos Jr. at wala talagang nangyayaring pag-unlad o pagbuti ng kalagayan. Patunay dito ang 16 milyong pamilyang Pilipino na nagsabing sila ay mahirap o naghihirap, batay sa bagong sarbey ng Social Weather Stations (SWS). Kakambal ng kahirapan ang kagutuman kaya inaasahan na mas marami pang pamilyang Pilipino ang nagugutom sa ilalim ng Bagong Pilipinas. “Ang Unang Pamilya lang ang sagana, ang masa dilat ang mata sa gutom at dusa.”

Nitong Hunyo, umangat sa 58% ang self-rated poverty ng mga pamilyang Pilipino, pinakamataas o record-high na ito mula noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Sa panahon ni Arroyo, umabot sa 66% ang self-rated poverty na naitala noong 2001 at 2022.

Sinabi ng KMP na kabilang sa pangunahing dahilan ng paghihirap ng mamamayan ang napakamahal na presyo ng pagkain, bilihin, tumataas na pamasahe at singil sa mga public utilities gaya ng tubig, kuryente at ang lingguhang Oil Price Hikes. Subalit ang mas malalim na dahilan ng lumalang kahirapan at gutom sa bansa ay ang kawalan ng empleyo o mga trabaho dahil wala namang tunay na mga industriya ang bansa.

“Kung walang tunay na reporma na reporma sa lupa, wala ring pambansang industriyalisasyon na sukatan dapat ng tunay na pag-unlad ng ating bayan,” ayon kay KMP chairperson Danilo Ramos. Sa pinakahuling tala, nasa 8.6% na lang ng Gross Domestic Product ang ambag ng sektor agrikultura samantalang dumausdos na sa 17% ang ambag ng sektor ng manupaktura, pinakamaliit sa nakalipas na 75 taon. “Ibig sabihin nito, lalong tumitindi ang krisis pang-ekonomya, at hindi nakakatulong ang mga patakaran ni Pangulong Marcos Jr.

Sa Lunes, sasama sa mga protesta sa SONA ang mga magsasaka sa ilalim ng KMP mula sa Central Luzon, Timog Katagalugan. May mga pagkilos at protestang bukid din sa Bicol, Ilocos, Baguio City, Iloilo City, Cebu City, Bacolod City at iba pang syudad at probinsya sa bansa. Idadaos ng malawak na hanay ng mamamayan ang Peoples SONA upang ipakita na sa Bagong Pilipinas, ang mga Pilipino lalong naghihirap. #

Leave a comment