PAHAYAG | Mga magsasaka: kundenahin ang pagbasura ng writ of amparo at habeas data ni Jhed Tamano at Jonila Castro!

Kinukundena ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang pagbabasura ng Court of Appeals sa writ of amparo at habeas data ng dalawang environmental defenders na sina Jhed Tamano at Jonila Castro. Noong Setyembre 2 2023, dinukot ang dalawa sa Orion, Bataan at halos 17 na araw na iligal na dinetina ng NTF-ELCAC at militar, at binalandra bilang mga sumukong rebelde. Naghain ng petition para sa writ of amparo at habeas data sina Castro at Tamano noong Setyembre 28 2023, at nitong Pebrero 15 2024 ay pinagkaloob ito ng Supreme Court na pansamantalang proteksyon nila laban sa 70th IBPA, PNP Bataan, NTF-ELCAC. Ngunit nitong ika-6 ng Agosto lamang ay dinismiss ng Court of Appeals Special 8th Division ang dalawang writs sa batayang failure to establish existence of imminent or continuing threat at kakulangan ng ebidensya.

“Sa rehimeng Marcos Jr. na lenggwahe ang kasinungalingan, pagduduhan rin ba kung ano nga ba ang mga banta sa buhay? Malinaw na ang pagdukot, pagpiit, at tortyur ay malinaw na pagsupil sa karapatang pantao. Ang pagkaila sa kaligtasan ni Jhed at Jonila ay malaking kapabayaan ng CA Special 8th Division, at malinaw na pagsayaw sa mga tono ng NTF-ELCAC.” giit ni Danilo Ramos, National Chairperson ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Hindi lamang patuloy na banta ang pagkilala ng CA sa “kawalan ng ebidensya” na malinaw na kaso ng terorismo ng estado sa dalawang tanggol-kalikasan, kundi sa mas marami pang mga aktibista at organisador na humaharap sa redtagging at iba pang pasistang atake.

Matatandaan din nitong nakaraang enero lamang ang serye ng sunod-sunod na mga kaso ng harassment kay KMP National Chairperson Danilo Ramos, pati ang pagdawit sa KMP sa lathalain ng NTF-ELCAC National Executive Committee bilang isang “Communist Terrorist Group (CTG) Front Organization” nitong ika-6 ng Abril. ##

Leave a comment