
The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) expressed full support to the announcement of fisherfolk leader Ronnel Arambulo of PAMALAKAYA’s sincere intent to run for a Senate seat in the 2025 elections.
Arambulo, 48 years old, and a fisherfolk who was born and raised in Binangonan, Rizal, held a proclamation rally this morning with fisherfolk and mussel fishers in Navotas City. He is the fifth candidate of Makabayan to make an announcement.
Ang sigaw ng masang anakpawis, mangingisda naman sa Senado. This will be the first time that an ordinary fisherman will vie for a Senate post. We will always choose Ronnel Arambulo over the likes of Camille Villar, the heiress of the multibillionaire Villar political dynasty who is obviously pouring millions into her visibility campaign through social media and tarpaulins. Arambulo may not have the same well-oiled machinery of the usual bureaucrats and traditional politicians, what he has is the conviction and determination to uphold the interests and welfare of Filipino fishers who are often regarded as among the poorest of the poor in our country.
In its statement of support for Arambulo, KMP said: “Lubos na sumusuporta ang masang magbubukid sa deklarasyon ni Ronnel Arambulo ng pagkandidato sa darating na halalang 2025 bilang Senador.
Si Ronnel Arambulo ay makabayan at patriyotikong lider na magtataguyod ng karapatan ng mga Pilipinong mangingisda laban sa dayuhang panghihimasok at pagsasamantala.






Subok na ang rekord sa paglilingkod bayan ni Ronnel Arambulo sa batayang antas bilang anim na taong Kagawad ng Malakaban, Binangonan, Rizal.
Bilang isang mangingisda sa Lawa ng Laguna, alam na alam ni Ronnel ang danas ng mga maralitang mamamalakaya sa bansa na palagiang nabibilang lamang na istatiska ng mga pinakamahihirap.
Kailangang-kailangan ng mga kinatawan ng batayang sektor sa Senado upang maisulong ang mga progresibong batas at reporma para sa kagalingan ng mas nakararami. Kailangan ng bagong pulitika ng pagbabago na alternatibo sa kasalukuyang pulitikang bulok at dominado ng mga dinastiya.
Papalaot sa Halalang 2025 si Ronnel Arambulo at kasama niya ang mga mangingisda at magsasaka.
Mangingisda naman sa Senado!”
