Farmer senatorial bet warns vs perpetuation of political dynasties in Senate race

Manila, Philippines – A peasant leader running for Senator under the Makabayan Coalition raised alarm over the continued rise of political dynasties for the 2025 midterm elections, saying that it is a flagrant violation of the 1987 Constitution that explicitly prohibits such a system.

In a statement, Danilo “Ka Daning” Ramos urged the public to denounce and ultimately call for the “dismantling of political dynasties with no exceptions”.

“Sadyang nakakabahala ang pagpapatuloy ng pag-iral ng political dynasty kung saan ginagawa na lamang family business ang gobyerno. Lantaran na ang paglabag ng mga kilalang angkan sa Konstitusyon na nagbabawal sa dinastiya sa politika.

Sa mahabang panahon ng panunungkulan ng iilang kilalang pamilya, wala namang napalang signipikanteng pag-unlad ang mahihirap, partikular ang mga magsasaka at mangingisda.

Kadalasan pa nga, ang mga pamilyang may hawak ng susing komite sa Senado tulad ng agrikultura, ang silang nagtataguyod ng land-use conversion para sa kanilang mga negosyo.

Kaya panawagan namin sa publiko at sa mga botante na itakwil ang political dynasty dahil banta ito sa demokrasya at kalayaan ng mamamayan na malayang pumili ng mga karapat-dapat na nanunungkulan.

Dapat din itulak na ang pagsasabatas ng Anti-Dynasty Bill para magkaroon ng konkretong kaparusahan para sa mga lalabag dito,” Ramos, the national chairperson of farmers’ group Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) said.

Ramos identified the dynastic politicians in the 2025 midterm elections including Revilla, Villar, Tulfo, Duterte, among many others. ###

Leave a comment