Duterte dapat managot, imbestigahan din sa mga EJK ng mga aktibista — KMP

Nanawagan ngayon ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na imbestigahan din ng Senado at QuadComm ng Kongreso si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pamamaslang ng mga aktibista sa panahon ng kanyang liderato. Ayon kay KMP lider Danilo Ramos, sapat na ang mga pag-amin ni Duterte sa kaalaman at responsibilidad nya mga pamamaslang sa pekeng drug war para malitis at makulong siya. Nanawagan rin ng hustisya sa mga biktima ng pamamaslang ang KMP.

Ang rehimen noon ni Duterte ang may sala sa pamamaslang kay Randall Echanis, lider ng KMP at Anakpawis Partylist at peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines. Dapat din panagutin si Duterte sa pamamaslang ng daan-daang aktibista, pinakamarami ay mga magsasaka at mga nakikipaglaban para sa tunay na reporma sa lupa. Mula 2016 hanggang 2022, nakapag record ang KMP at Tanggol Magsasaka ng lampas 20 insidente ng pagmasaker sa mga magsasaka at katutubo kabilang ang Sagay at Guihulngan Massacre sa Negros, Tumanduk Massacre sa Panay, Sulu Massacre at ang Bloody Sunday Massacre na pumaslang sa mga lider manggagawa at aktibista.

“Hindi sapat ang mga hearing. Kung talagang seryoso ang administrasyong Marcos Jr, dapat nitong panagutin si Duterte. Bigyang hustisya ang mga pamilya at biktima ni Duterte at panagutin siya sa kanyang mga krimen sa sangkatauhan o crimes against humanity. Wala nang anumang immunity kaya dapat siyang makasuhan at humarap sa korte, dito man sa bansa o sa International Criminal Court (ICC). Nanawagan din si Ramos na imbestigahan ang paggamit ng pondo ni Duterte sa kanyang madugong Davao model, pekeng war on drugs at pamamaslang sa mga aktibista sa ilalim ng kanyang presidensiya.

Dapat na maglabas na rin ng Arrest Warrant ang ICC laban kay Duterte, ayon kay Ramos. Si Ramos ay kandidatong Senador din ng Koalisyong Makabayan.

Leave a comment