Makabuluhang Kapaskuhan mula sa KMP!

Sa panahon ng pagkakaisa sa gitna ng ligalig, ipinaaabot namin ang taos-pusong pasasalamat sa inyo—mga kaibigan at katuwang sa laban para sa tunay na reporma sa lupa at katarungan. Ang inyong patuloy na suporta ang nagbibigay-lakas sa amin upang ipaglaban ang karapatan ng mga magsasaka at isang mas maliwanag na kinabukasan.

Nawa’y ang Paskong ito ay magbigay-inspirasyon upang patuloy tayong magtanim ng binhi ng pag-asa, pagkakaisa, at paglaban para sa isang lipunang makatarungan at tunay na malaya ang mga magsasaka.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! 🎄

Leave a comment