Mga Kagyat na Panawagan at Tugon Para Pigilan Ang Pagkalat ng COVID19

1. Gawing pangunahin at malawakan ang solusyong medikal at pangkalusugan para maiwasan ang pagkalat ng COVID19. Kailangan magpatupad ang gobyerno ng kagyat na FREE MASS TESTING sa mga komunidad laluna sa mga may kumpirmado nang kaso ng COVID19. Unahin ang mga matatanda, at mga maysakit sa libreng testing.

2. Serbisyong medikal at hindi militaristang solusyon ang kailangan. Agad na irechannel ang Php4.5-bilyon intelligence fund ng Pangulo para pondohan ang COVID19 prevention.

3. Magdagdag ng mga doktor, nars, health workers sa mga ospital at komunidad. Pakilusin ang mga pampubliko at pampribadong medical at health personnel, mga NGO, mga socio-civic organizations, at mga boluntir para sa COVID19 prevention.

4. Paganahin ang mga barangay health centers at magtayo ng dagdag na satellite health centers sa mga komunidad para sa mga sumusunod: a) Free Medical Check-up at COVID19 Testing, b) Health Evaluation and Monitoring, c) pagbibigay ng mga libreng bitamina at hygiene and protective kits (face masks, sabon, alcohol, disinfectant at iba pa).

5. Tiyakin ang sapat at angkop na community-based health action and response gaya ng mass disinfection and sanitation, clean-up drives, health awareness info drive at iba pa. Tiyakin na mula sa pamprobinsya, pambayan at panlunsod, munisipal at antas barangay ay may tamang kaalaman at impormasyon kaugnay sa pag-iwas at proteksyon laban sa COVID19.

6. Palakihin at bigyan ng prayoridad ang badyet sa kalusugan para sa mga pampublikong ospital at mga barangay health centers para sa mabilis at libreng akses sa mga serbisyong pangkalusugan ng mga mahihirap at mga komunidad na bulnerable sa COVID19.

7. Tiyakin ang kalusugan at kagalingan ng mga health workers at health volunteers na nagbibigay ng frontline na serbisyong medikal sa mamamayan.

8. Maglaan ang gobyerno ng suportang pang sosyo-ekonomiko at mga subsidyo para sa mga manggagawa at empleyado, mga walang regular na trabaho at iba pang mahihirap.

9. Tiyakin na hindi tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at batayang pangangailangan ng mamamayan gaya ng bigas, pagkain, tubig, gamot at iba pa. Tiyakin na may tuloy-tuloy na water service o rasyon ng tubig para sa palagiang tamang paghuhugas ng kamay at paglilinis.

10. Social solidarity o pakikipagkaisa sa bawat kapwa para matiyak ang kalusugan at kagalingan ng bawat mamamayan. Huwag abusuhin ang ‘social distancing’ at ‘community quarantine’ para gipitin ang mga mamamayan. ###

Maaaring i-print ang mga ito para maging pisikal na pamplet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s