[Nasaan ang mga Kadiwa Centers?] Panawagan ng magsasaka sa DA: Bilisan ang pagbili at paghakot ng produkto

Nanawagan muli ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa Department of Agriculture (DA) na bilhin at hakutin na ang produkto ng mga magsasaka mula sa mga bukid para maiwasan ang pagkabulok at pagkasayang nito sa panahon ngayon na kailangan ng pagkain ng mamamayan.

Sinabi rin ng KMP na dapat bilis-bilisan ng DA ang aksyon nito sa pagtulong sa mga magsasaka. “Nasa pangatlong linggo ng ng Luzon lockdown. Araw-araw puro paliwanag ang sinasabi ni Secretary William Dar pero walang aksyon pagdating sa mga lokalidad. Totoong may mga nakasulat na guideline at plano ang DA pero walang nangyayari sa ibaba. Naghihintay ang mga magsasaka ng ayuda,” ayon kay Danilo Ramos, lider ng KMP. “Sa napakabagal na aksyon at tulong ng DA mamamatay ang mga magsasaka, hindi sa virus.”

Ayon sa grupo, marami pa ring ulat na nahihirapan magbenta at magluwas ng produkto ang mga magsasaka dahil sa ipinatutupad na mga checkpoints dahil sa enhanced community quarantine. Tone-tonelada gulay sa La Trinidad, Benguet na ang nabulok at itinatapon dahil hindi mabenta. Hirap na ring magbenta ng pakwan ang mga taga Nampicuan, Nueva Ecija.

Hinahanap rin ng grupo ang sinasabi ni Secretary Dar na mga KADIWA Centers. “Sa totoo lang, wala pa ito. Mga plano pa lang lahat ito ng DA. Kailan nila balak tulungan ang mga magsasaka na sobra nang naapektuhan ng lockdown?, ayon kay Ramos.

Mga LGUs na bumibili ng produkto ng mga magsasaka, pinasalamatan


Sinabi pa ng KMP na tama lang ang ginagawa ng ilang local government units (LGU) na bumibili ng produkto ng mga magsasaka para isama sa mga ipinamimigay ng relief goods at food packs. Kabilang dito ang Pasig, Valenzuela, La Union, Laguna, Maguindanao, Sarangani province at iba pa. “Tama ito. Dapat bilhin nila sa tamang presyo ang mga gulay at prutas na hindi lugi ang mga magsasaka,” ayon kay Ramos.

Nagpahayag din ang KMP na babantayan nila ang lahat ng aksyon ng DA sa panahon ng public health emergency kung saan kailan matiyak na may sapat na pagkain ang mamamayan pati na ang mga magsasaka. #

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s