Pahayag ng Danggayan Dagiti Mannalon ti Cagayan Valley sa Pagbuwag ng PNP at OGPI sa Barikada ng Mamamayan

Imbis na serbisyo at ayuda ang binigay ng PNP, inabuso at dinahas ang mamamayan para sa iligal na operasyon ng dayuhang kumpanyang OGPI

Sa kabila ng binabalikat ng mamamayan ngayon na taggutom, paglaganap ng sakit at matinding panunupil sa karapatan, tuso at garapal na pinayagan ng rehimeng Duterte ang iligal na operasyon ng dambuhalang dayuhang mina ng OceanaGold Philippines, Inc. Isang daang pulis ang ipinadala kahapon Abril 6, upang sugurin, buwagin ang barikada ng mamamayan sa Brgy. Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya at sapilitang ipinasok sa mina ang 3 tanker ng krudo.

Iniutos ito ng pamahalaang Duterte sa pamamagitan ng liham ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Dinahas, kinaladkad at pinosasan ang mga nagbabarikadang mamamayan at arbitraryong hinuli ang lider ng DESAMA na si Rolando Pulido. Sinampahan siya ng kasong paglabag sa RA11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) at Article 151 ng RPC (Resistance and Disobedience to a Person in Authority).

Matatandaan nating mula pa June 20, 2019, NAG-EXPIRE na ang PERMIT na FTAA ng kumpanya matapos ang 25 taong pandarambong nito sa ginto na pag-aari ng mamamayang Pilipino, matinding pinsala sa kapaligiran at pagkait ng karapatan sa lupa, katubigan, kaligtasan at kalusugan ng mga residente. Ilang buwan nang iginigiit ng mamamayan dito na ipatigil nang lubusan ang iligal na operasyon ng mina.

Sa panahon ng LOCKDOWN, ilang beses nang nagsubok magpasok ng tanke ng krudo ang kumpanya. Imbis na tiyaking sapat ang medikal na serbisyo sa libre at malawakang testing sa mamamayan, sapat na PPEs, pasilidad, gamot, pagkain atbp. ayuda sa mamamayang naka-LOCKDOWN, ito ang INAATUPAG ng REHIMENG DUTERTE.

Patuloy na ipinamimigay nito sa mga dayuhang kumpanya tulad ng OGPI ang KAYAMANAN ng BANSA na maaaring makatulong ng malaki sa atin sa rehabilitasyon at pagbangon matapos ang PANGKALUSUGANG KRISIS na ito.

Labis-labis ang panghihigpit sa KABUHAYAN ng MAMAMAYAN sa LOCKDOWN pero ang iligal na operasyon ng NEGOSYO ng OGPI na hindi esensyal at kritikal para sa pangangailangan sa pagharap sa COVID19 KRISIS ay garapalang pinapayagan.

ITIGIL ANG OPERASYON NG MAPANDAMBONG AT MAPANIRANG OCEANAGOLD!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s