Itaguyod ang karapatan ng mamamayan sa malayang impormasyon! Bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN!

Kaisa ang mga magsasakang Pilipino sa makatwirang panawagan ng taumbayan na maibalik sa ere ang ABS-CBN at DZMM at mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Ngayon ang araw na pagbobotohan ng Kongreso ang kontrobersyal na ABS-CBN franchise. Ang boto pabor sa paggawad ng prangkisa sa ABS-CBN ay boto para sa mamamayan, laluna sa masang anakpawis na ang tanging pinagkukunan ng impormasyon at balita ay radyo at libreng telebisyon.

Napatunayan sa mga nakaraang pagdinig na walang batayan ang ginawang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN. Lumabas din sa mga pagdinig sa Kamara na pawang mga bindikatibo at personal na isyu ang ibinabato sa network.

Higit na pabor sa mamamayan kung mabibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN at maibabalik sa free TV ang mga istasyon nito. Mahalaga ang papel ng ABS-CBN sa malayang pamamahayag at demokratikong karapatan ng mamamayan. Mahalaga ang ABS-CBN para sa 11,000 empleyado nito at iba pang mga manggagawang nakaasa dito ang kabuhayan. Mahalagang maipaglaban at maitaguyod ang ABS-CBN kontra sa sapilitang pambubusal at panunupil ng estado. ###

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s