Duterte Massacre King: Mga pagmasaker sa magsasaka sa ilalim ng pasistang rehimeng Duterte

Duguan ang kamay ng mamatay-tao at berdugong si Rodrigo Duterte sa mga masaker ng mga magsasaka. Nakapag dokumento ang Tanggol Magsasaka ng 22 masaker at maramihang pamamaslang o mass killing sa mga magbubukid sa ilalim ng rehimeng Duterte. Pangunahing maysala sa mga masaker na ito ang berdugong Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsasagawa ng mga pokus na operasyong militar sa komunidad ng mga magsasaka sa iba’t-ibang panig ng bansa. Sangkot din sa serye ng mga pagpatay ang mga goons, gwardya at private army ng mga mangangamkam ng lupa na lalo pang bumangis dahil na rin sa na umiiral na kultura ng kawalan ng pagpapanagot. Kasaysayan ang maningil sa mga krimeng ito ng pahirap at pasistang rehimen.

1. July 12, 2016 Sumilao Massacre

Mga biktima:

  • Remar Mayanto
  • Senon Nacaytuna
  • Rogen Suminao

Tatlong magsasakang Lumad mula sa tribong Higaonon ang pinaslang at tatlong iba pa ang kabilang ang isang menor de edad ang nasugatan sa walang habas na pamamaril ng mga gwardya ng Tagbagani Security Agency na tauhan ng RAMCAR Inc. sa Sitio Inalsahan, Brgy. Lupiangan, Sumilao, Bukidnon.

Ang mga armadong gwardya at goons ay inupahan nina Ramon and Carmen Agustines ng RAMCAR Inc., mga kumakamkam ng lupang ninuno ng mga Lumad sa komunidad.

Bandang 6:00AM noong Hulyo 12, 2016, nagkakape ang mga Lumad sa kanilang kubo nang sila ay pagbabarilin ng 13 gwardya at goons.

Si Remar Mayanto ng Inalsahan Indigenous Peoples Organization ay nagtaas na ng kamay para sumuko subalit binaril pa rin siya ng isang gwardya. Ginilitan din siya sa leeg ng isa pang gwardya na naging dahilan ng agaran niyang pagkamatay. Si Senon Nacaytuna naman ay hinabol at binaril sa dibdib. Si Rogen Suminao ay may tama ng baril sa noo at pisngi. Hinabol at binaril ng malapitan ang mga biktima. Ayon sa mga nakaligtas, pinalitan ng mga gwardya ng .38mm baril ang hawak na bolo ng napaslang na si Nacaytuna.

Three indigenous farmers killed for asserting their right to ancestral land in Bukidnon

2. September 3, 2016 Fort Magsaysay Massacre

Mga biktima:

  • Eligio Barbado
  • Emerenciana ‘Baby’ Dela Rosa
  • Gaudencio Bagalay
  • Violeta De Leon

Apat na magsasakang kasapi ng Alyansa ng mga Magbubukid na Nagkakaisa 3100 (ALMANA) ang pinaslang ng mga armadong goons ni dating Palayan City Mayor Adrianne Mae Cuevas, kasama ang isang Col. Rigor ng Nueva Ecija Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ang mga biktimang sina Gaudencio Bagalay, 58, Emerenciana ‘Baby’ Dela Rosa, 53, Violeta De Leon, 55, ay natagpuang patay na sa isang lumang kubo at magkakasamang nagtago sa ilalim ng kama.

Setyembre 3, 2016 nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang mahigit 60 magsasakang nagsasagawa ng bungkalan sa Sitio Minalkot, Brgy. San Isidro, Laur Nueva Ecija. Naghahanda ang mga magsasaka sa kanilang pagtatanim ng mga gulay sa tiwangwang na Lot 28 na bahagi ng 3,100-ektaryang Fort Magsasay Military Reservation Camp, nang biglang silang paulanan ng bala.

Nasugatan din sa malagim na pamamaril ang magsasakang si Angelina Milan at dalawang menor de edad, mayroong iba pa na nakaligtas. Unang dumating sa pinangyarihan ng krimen ang Palayan City-PNP at 71st IBPA subalit tumangging mag-imbestiga ang mga pulis at sundalo.

https://www.karapatan.org/Arrest+and+prosecute+killers+of+Fort+Magsaysay+massacre

3. March 27, 2017 NAMULAK Massacre

Mga biktima:

  • Arlene Almonicar
  • Arman Almonicar
  • Cora Lina

Mga magsasaka at kasapi ng Nagkahiusang Mag-uuma sa Laak (NAMULAK) sa Compostela Valley ang mga biktimang minasaker ng berdugong 1001st Brigade sa pamumuno ni Commander Gen. Macairog Alberto. Sa halip na maparusahan, na-promote pa noon bilang hepe ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) si Alberto matapos maghasik ng lagim sa Compostela Valley.

https://www.sunstar.com.ph/article/160363

4. April 15, 2017 Milagros Massacre

Mga biktima:

  • Jerry Cuyos
  • Josel Rosales
  • Rodolfo Tagalog Jr.

Magkakasunod na pinaslang ng mga sundalo ng 2nd IBPA ang mga magsasakang sina Jerry Cuyos, 20, Josel Rosales, 30, at Rodolfo Tagalog Jr., 26. Magkakahiwalay na dinukot, tinortyur saka pinatay ang tatlong magsasaka sa Barangay San Carlos, Milagros, Masbate. Pinagbalingan ang mga magsasaka matapos maka-engkwentro ng mga sundalo ang mga mandirigma ng New People’s Army.

Pinatay si Cuyos habang nag-aani ng saging sa kanyang bukid, samantalang si Rosales ay pinagtataga gamit ang kanyang sariling itak.

Matapos ang 2 araw na paghahanap ng kanyang mga kaanak, natagpuan sa ilog ang bangkay ni Rodolfo Tagalog. Nakagapos siya gamit ang tali ng kanyang kabayo, wasak ang mukha at luwa ang mata ni Rodolfo at napakaraming pasa sa buong katawan. Mayroon din siyang tama ng baril.

https://www.philstar.com/other-sections/news-feature/2017/07/21/1719953/killings-farmers-rise-under-duterte

5. April 20, 2017 Kawayan Massacre

Mga biktima:

  • Lolita Pepito
  • Rechely Luna
  • Reden Luna

Madaling araw noong Abril 20, 2017, bandang 5:30AM ay pinaulanan ng bala ng lampas 42 sundalo ng 3rd Scout Ranger Unit at 903rd Brigade Philippine Army ang apat na kabahayan sa Sitio Lubugan, Barangay Panan-awan, Kawayan, Masbate.

Agad na namatay ang 70-anyos na si Lolita Pepito kasama ang kanyang mga apo na sina Rechely Luna, 12, at Reden Luna, 9 taong gulang. Dalawang iba pa ang nasugatan.

Karapatan scores AFP, Duterte for Masbate EJKs

6. August 25, 2017 San Nicolas 4 Massacre

Mga biktima:

  • Arthuro  Galvez
  • Crisologo “Celso” Alambra
  • Marcelo “Mar” Perico
  • Thelma Albanio

Pinaslang ang mga biktimang sina Arthuro  Galvez, Crisologo “Celso” Alambra, Marcelo “Mar” Perico, at Thelma Albanio na pawang mga senior citizens ng PNP noong Agosto 25, 2017 sa San Nicolas, Pangasinan. Pinalabas ng PNP na engkwentro ang nangyari at NPA umano ang mga biktima. Agosto 24, 2017 pa lang ay naiulat na nawawala na ang apat.

Ayon sa mga kaanak, si Mar Perico ay tinortyur muna saka pinatay. Natagpuan ang bangkay ni Perico na maga ang mukha habang ang kanyang mga kamay at paa ay nagkadurog-durog. Walang tama ng bala ng baril sa katawan si Perico at puro saksak sa katawan ang tinamo. Si Albanio naman ay natagpuang patay noong Agosto 30, 2017. Pinalabas ng PNP na ang apat ay mga NPA na napatay sa engkwentro. Pinabulaanan na ito ng mga kaanak ng mga pinaslang.

Isa sa 3 nasawi sa engkuwentro ng umanoy NPA at pulis sa Pangasinan, nakakitaang brutal na pinatay, tadtad ng saksak at durog ang mga kamay at paa

7. December 3, 2017 Lake Sebu Massacre

Mga biktima:

  • Artemio Danyan
  • Mateng Bantal
  • Pato Celarbo
  • Rhudy Danyan
  • Samuel Angkoy
  • To Diamante
  • Datu Victor Danyan Jr.

Pawang mga kasapi ng T’boli–Manubo SDAF Claimants Organization (TAMASCO) sa South Cotabato, Soccsksargen ang mga pinaslang na katutubo.

Pinagbabaril ng mga elemento ng 27th at 33rd IBPA si Datu Victor Danyan Jr. at mga kaanak nito habang nag-aani ng mais sa Bgy. Ned, Lake Sebu sa South Cotabato.

Ayon sa militar, napagkamalan nilang mga kasapi ng New Peoples Army (NPA) na nauna nilang naka-engkwentro sa malapit na barangay ang mga biktima. Pawang mga sibilyan ang mga napaslang na kabilang sa tribong Dulangan Manobo at Tboli. Wala pa ring hustisya sa kanilang pagkamatay.

8. February 22, 2018 Siaton Massacre

Mga biktima:

  • Carmelina Amantillo
  • Consolacion Cadivida
  • Felimon Molero
  • Jesibel Aballe

Gumagapas ng tubo sa plantasyon ang mga magsasaka at manggagawang bukid nang sila ay pagbabarilin ng mga gwardya at goons ng Nico Security Agency noong Pebrero 22, 2018. Ang mga gwardya at goons ay tauhan ni Don Gaspar Vicente na kilalang nangangamkam ng lupa ng mga magsasaka. Ang lupain ay nasa ilalim ng CARP.

Ang mga biktimang sina Jessebel Amantillo Abayle, 34; Carmelina Garingo Amantillo, 57; Consolacion Esparcia Cadevida, 66, ay mula sa Sitio Bondo, Brgy. Napacao, Siaton at si Felimon Torres Molero, 66, ay taga Sitio Salngan, Brgy. Mayabon sa Zamboanguita, Negros Oriental. Isang magsasaka, si Lito de Jesus, ay nasugatan at nakaligtas sa masaker.

Inaresto ng Siaton PNP ang limang suspek sa masaker.

9. April 10, 2018 Bato Massacre

Mga biktima:

  • Ana Nias San Jose
  • Noli Colico
  • Orlando San Jose Jr.

Pinalabas ng mga sundalo ng 83rd Infantry Battalion sa Camarines Sur na mga NPA ang tatlong magsasakang pinaslang nila sa Barangay Payak, Bato Camarines Sur noong Abril 10, 2018. Limang iba pang magsasaka hinuli, kabilang ang isang menor de edad.

Pinabulaanan ng mga residente sa komunidad ang bintang ng mga sundalo at iginiit na mga sibilyan at hindi mga NPA mga pinaslang na magsasaka. Napatay ang mag-amang Orlando at Ana Nias San Jose, at Noli Colico nang i-strafing ng sundalo ang kanilang bahay. Pinahirapan pa ng mga sundalo ang mga kaanak ng mga biktima na mabawi ang mga bangkay.

PHILIPPINES: Civilians tagged as rebels and killed in two separate alleged encounters

10. May 13, 2018 Patalunan Massacre

Mga biktima:

  • Antonio Bonagua
  • Roberto Narios
  • Ronil Nariz

Tatlong magsasaka ang dinukot, tinortyur at inilibing ng buhay ng 9th IBPA sa Barangay Patalunan, Ragay sa Camarines Sur. Ang mga biktima pa mismo ang pinaghukay ng sarili nilang libingan. Natagpuan sa isang mababaw na hukay sa isang niyugan sina Antonio Bonagua, 19; Roberto Narios, 25; at Ronil Nariz, 28. Marami pang ibang magsasaka sa probinsya ang tinortyur ng notoryus na 9th IBPA.

11. September 14, 2018 Patikul Massacre

Mga biktima:

  • Alpadal Diray
  • Basiluddin Hairani
  • Benajal Tula
  • Issah Hamsan
  • Maknun Sakirin
  • Makrub Diray
  • Mijar Hairan

Nangunguha ng lansones, durian at mangosteen sa taniman ang pitong kabataang magsasaka nang sila ay imasaker ng mga sundalo ng Philippine Army sa Sitio Bata, Brgy. Kabuntakas, Patikul, Sulu. Mga sibilyan at hindi kasapi ng Abu Sayyaf o anumang armadong grupo ang pito. Wala ring katotohanan na namatay sa engkwentro ang mga magsasaka gaya ng pinapalabas ng AFP WestMinCom.

Batay sa paunang imbestigasyon ng CHR, napag-alaman na noong Setyembre 13, nagpaalam ang mga biktima sa mga sundalo na mag-aani sila ng mga prutas para maibenta. May mga saksi rin na nakakita na hinuli ng mga sundalo ng Army Scout Rangers ng 32nd Infantry Battalion ang pito. Kinabukasan, natagpuan ng kanilang mga kaanak ang bangkay ng pitong magsasaka na tadtad ng tama ng bala.

https://newsinfo.inquirer.net/1032746/7-abu-sayyaf-bandits-slain-in-clash-with-govt-troops-ph-army-claims

12. October 20, 2018 Sagay 9 Massacre

Mga biktima:

  • Angelipe Arsenal
  • Eglicerio Villegas
  • Jomarie Ughayon Jr.
  • Marcelina Dumaguit
  • Marchtel Sumicad
  • Morena Mendoza
  • Paterno Baron
  • Rene Laurencio
  • Rommel  Bantigue

Siyam na magsasaka ang brutal na minasaker noong Oktubre 20, 2018 sa Purok Pine Tree, Brgy. Bulanon, Sagay City, Negros Occidental. Bandang alas-9 ng gabi, namamahinga na sila sa kanilang mga kubo ang mga magsasakang nang pinasok at pinagbabaril sila ng mga armadong kalalakihan.

Tatlong lalaki, apat na babaeng magsasaka at dalawang menor de edad ang napaslang. Mga kasapi sila ng National Federation of Sugar Workers (NFSW). Hinabol at pinaulanan sila ng bala at pagkatapos ay sinunog ang ibang bangkay.  

Oktubre 20 nagsimulang magbungkalan ang mga magsasaka sa 75 ektaryang lupa na kinakamkam ng isang Atty. Barbara Tolentino. Umani ng batikos sa loob at labas ng bansa ang Sagay 9 masaker na kabilang sa mahabang listahan ng mga pamamaslang ng estado sa isla ng Negros.

https://www.rappler.com/nation/farmers-killed-sagay-negros-occidental-hacienda-nene-october-20-2018

13. December 27, 2018 Guihulngan Massacre

Mga biktima:

  • Jaime Revilla
  • Jesus “Dondon” Isugan
  • Jimmy Fat
  • Jun Cubol
  • Reneboy Fat

Madaling araw ng Disyembre 27, 2018, sinalakay ng pinagsamang pwersa ng Philippine National Police Regional Mobile Safety Battalion at mga militar ang kabahayan ng mga residente sa Guihulngan City, Sta. Catalina at Mabinay matapos ilunsad ang Synchronized Enhanced Managing of Police Operation (SEMPO) sa Negros sa ilalim ng pamumuno ni Chief Supt. Debold Sinas na noon ay regional director ng PNP PRO-7.

Habang tulog ang mga residente, binulabog sila ng mga kapulisan at militar — ni-raid at sapilitang pinasok ang kanilang kabahayan; kinuha, pinadapa at tinututukan ng mahahabang armas ang mga babae at bata habang iniwan sa loob ng bahay ang mga kalalakihan. Pinatay ang anim na magsasaka habang hinuli at tinaniman ng mga kinakalawang na baril ang iba pa.

Tatlong araw tumagal ang operasyon hanggang Disyembre 29, 2018 sa mga komunidad ng mga magsasaka. Karumal-dumal ang sinapit ng mga biktima na nagresulta sa anim biktima ng masaker at 26 iba pang inaresto sa bisa ng mga gawa-gawang kaso.

14. March 30, 2019 Negros 14 Massacre

Labing-apat na magsasaka ang malagim na pinatay sa iba’t-ibang barangay sa Canlaon City, Manjuyod at Sta. Catalina sa Negros Oriental noong Abril 1, 2019 sa tabing ng Oplan Sauron at Synchronized Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) sa pamumuno pa rin ni Debold Sinas.

Napatay sa operasyon ng pulis at militar sina Edgardo Avelino, 59, lider ng Hugpong-Kusog Mag-uuma sa Canlaon (Hukom), lokal na affiliate ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) – Negros Chapter; ang kanyang kapatid na si Ismael Avelino, 53; ang mga mag-aama na sina Melchor Pañares, 67 at Mario Pañares,46, Rogelio Ricomuno, 52 at Ricky Ricomuno, 28; Gonzalo Rosales, 47; Genes Palmares, 54; at mga kapitan ng barangay na sina Valentin Acabal ng Brgy. Kandabong;

Sonny Palagtiw ng Brgy Panciao; Steve Arapoc; Manolo Martin; Franklin Lariosa at Ano Enojo Rapada.

Ang PNP PRO-7, Special Action Forces (SAF) at Regional Mobile Force (RMF) kasama ang 94th Infantry Brigade Philippine Army, ang may sala sa pagmasaker sa mga magsasaka. Hatinggabi ay ni-raid ang mga bahay ng mga magsasakang sisilbihan umano ng warrant. Kinaumagahan, bangkay na nang makita ng kanilang mga kaanak ang mga magsasaka. Ipinipilit ng pulis at militar na mga kasapi ng Milisyang Bayan at suporter ng New People’s Army (NPA) ang mga pinatay ng magsasaka. Labing-anim na iba pang magsasaka ang hinuli, ilegal na ikinulong at sinampahan ng gawa-gawang kaso.

https://cnnphilippines.com/regional/2019/3/31/killings-Negros-Oriental.html

15. July 25, 2019 Negros Oriental Massacre

Mga biktima:

  • Marlon Ocampo
  • Rakilin Astorias
  • Reden Eleuterio
  • Romeo Alipan

Insidente ng mga magkakahiwalay na pamamaslang sa Negros Oriental ang naganap noong Hulyo 25, 2019. Pinasok at pinagbabaril ng ilang ulit ng mga armado sa loob mismo ng kanyang bahay ang biktimang si Romeo Alipan, 65, chairman ng Barangay Buenavista, Guihulngan City. Pinagbabaril naman si Reden Eleuterio, 50, sa Brgy. Tampocon II, Ayungon, Negros Oriental. Ang pagpaslang kina Alipan at Eleuterio ay tinitingnan na ganting salakay sa napaulat na pag-ambush sa apat na pulis sa bayan ng Ayungon. Sa kaparehong araw, pinagbabaril ang bahay ni Marlon Ocampo, 33, sa Barangay San Jose, Sta. Catalina. Nadamay at napaslang din ang isang taong gulang na anak ni Ocampo na si Marjun.

https://www.karapatan.org/Karapatan+hits+spate+of+killings+in+Negros%2C+as+4+victims+reported+dead+in+one+day

16. May 8, 2020 Sorsogon Massacre

Mga biktima:

  • Jaime Tañada
  • Jeric Vuno
  • Jerry Palanca
  • Raymundo Tañada
  • Robert Villafuerte

Madaling araw ng Mayo 8, 2020, habang nasa mahigpit na lockdown ang maraming probinsya sa Pilipinas, dinukot ng mga pulis at militar ang mga magsasakang sina Jeric Vuno, Jerry Palanca, Robert Villafuerte, Raymundo Tañada, at Jaime Tañada — mga residente ng Brgy. Dolos, Bulan, Sorsogon sa rehiyon ng Bicol. Si Jaime Tanada ay matandang may maysakit, samantalang si Villafuerte ay karamdaman sa pag-iisip. Magsisilbi diumano ng warrant ang mga pulis sa isang alyas

Mayroon iba pang residente sa barangay kabilang ang mga menor de edad ang binugbog ng mga sundalo ng 31st IBPA, 9th Special Action Force Battalion, Provincial Mobile Force Company ng PNP Sorsogon at mga intelligence units.

Pinalabas ng pulis at militar na napaslang sa encounter ang limang biktima.

17. June 17, 2020 Placer Massacre

Mga biktima:

  • Rogen Languido
  • Danny Boy Pepito Sr.
  • Jessie Boy Pepito

Pinagbabaril ang dalawang magsasaka at isang menor de edad na lalaki sa bounderi ng Brgy. Mahayahay at Guinhan-ayan, Placer, Masbate noong Hunyo 17, 2020, bandang alas 8:30 ng gabi. Napaslang ang mga biktimang sina Rogen Orcales Languido, 40; at mag-amang Danny Boy Tibay Pepito, Sr. at Jessie Boy Amador Pepito.

Ang salarin sa pagmasaker ay isang grupo ng 2nd Provincial Mobile Force Company na nakasakay sa mga motorsiklo. Pumunta ang mga sundalo sa sa bahay ni Pepito, kumatok at nagpanggap na makikiinom. Hindi pa man nabubuksan ang pinto ay in-strafing na ang bahay, pinaputukan ang mga biktima na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo. Matapos ang pamamaril ay pinasok ang bahay at kinuha ang isang cellphone na pagmamay-ari ni Danny Boy Pepito, Sr.

Bago pa ang pagmasaker, noong umaga ng Hunyo 17, isang platun ng mga sundalo ng 2nd PMFC na nakabase sa Brgy. Sto, Nino, Cataingan, Masbate ang nagsagawa ng combat operation sa mga baryo ng Pitogo at Chemenia, Cataingan at Mahayahay, Placer.

18. August 29, 2020 Kabacan 9 Massacre

Mga biktima:

  • Benladin Dimanalao
  • Budsal Lipusan
  • Datu Fahad Mandigan
  • Esmael Pagayon
  • Nasher Guiaman
  • Nasurdin Kalilangan
  • Romeo Pioto
  • Sandigan Zailon
  • Zaiden Musaed

Noong Agosto 29, 2020, galing sa Kanduli (thanksgiving) ang siyam na magsasaka sakay ng mga motorsiklo nang harangin sila ng mga armadong kalalakihan at pagbabarilin sa Barangay Pedtad, Kabacan, North Cotabato. Walo ang namatay on-the-spot habang ang isang biktima ay namatay sa ospital.

Nangyari ang pagmasaker katanghaliang tapat sa Aringay Road na nagdudugtong sa mga interyor na barangay ng Kabacan patungo sa kampus ng University of Southern Mindanao. Ayon mismo sa kay Kabacan Mayor Herlo Guzman, walang naganap na shootout o barilan. Hinarang ng mga armado ang mga magsasaka, pinahilera sa tabing kalsada saka pinagbabaril. Ayon rin sa mga kaanak ng mga biktima, hindi Rido ang naganap dahil wala namang kaaway o kaalitan ang mga pinaslang na magsasaka.

Iniimbestigahan ng Commission on Human Rights Region 12 ang posibilidad na sangkot ang mga pulis sa pamamaril sa siyam na magsasaka. Dalawa sa mga napaslang ay menor de edad. High powered firearms gaya ng M-16 armalite rifle, Carbine rifle at caliber .45 pistol ang ginamit sa pagmasaker sa mga magsasaka.

19. September 28, 2020 Masbate Massacre

Mga biktima:

  • Jerry Regala
  • Joey Asne
  • Judy Barruga

Setyembre 26, 2020 dinukot si Jerry Regala, sa Brgy. Dalipe, Cawayan kung saan siya magdadala ng bigas. Bandang alas-10 ng gabi dinukot naman sila ang mga Barangay Kagawad na sina Judy Barruga at Joey Asne sa Brgy. Canjonday, Baleno.

Makalipas ang dalawang araw, Setyembre 28, lumabas ang balita na may nangyaring engkwentro sa pagitan ng NPA at AFP na ikinamatay diumano ng 3 kasapi ng NPA. Kinagabihan, natagpuan ang bangkay ng tatlong biktima sa  Brgy. Bat-ongan, Mandaon at pinalabas ng militar na mga NPA na napatay sa labanan.

20. October 31, 2020 Tandag City Massacre

Mga biktima:

  • Maco Cagaran Maitom
  • Freddie Miyarez Zamora
  • Paulino Perez Maitom Jr.

Sinungaling na ipinamalita ng AFP na mga NPA na napatay sa engkwentro sina Maco Cagaran Maitom, 50, Freddie Miyarez Zamora, 42 at Paulino Perez Maitom Jr., 23 — mga magsasaka at residente ng Barangay Pangi, Tandag City. Dinukot ang mga biktima sa kani-kanilang mga bahay at saka dinala sa gubat at doon walang awang pinatay ng mga pasistang tropa ng 36th IBPA.

21. December 17, 2020 Baras Massacre

Mga biktima:

  • Vilma Salabao
  • Wesley Obmerga
  • Jhonatan Alberga
  • Niño Alberga
  • Carlito Zonio

Limang sibilyan na nagtatrabaho sa isang taniman ng mangga sa Baras, Rizal ang pinagbabaril ng PNP-CIDG noong Disyembre 17, 2020. Ayon sa mga pulis at sa 2nd Infantry Division ng Philippine Army, pinaghihinalaang kasapi ng NPA ang mga napaslang. Magbibigay umano ng warrant ang pulis at militar nang maka enkwentro nila ang mga biktima.

Itinago sa mga kaanak ang bangkay ng mga biktima at pinahirapan sa pagclaim ng mga ito. Umabot sa halos tatlong linggo bago nabawi ng mga kaanak ang labi ni Vilma Salabao, isa sa mga napaslang sa masaker.

22. December 30, 2020 Tumandok Massacre

Mga biktima:

  • Jomer Vidal
  • Dalson Catamin
  • Roy Giganto
  • Reynaldo Katipunan
  • Mario Aguirre
  • Eliseo Gayas Jr.
  • Artilito Katipunan Sr.
  • Maurito Diaz
  • Rolando Diaz Sr.

Sinabi ng pulis na lehitimong operasyon ang kanilang ginawa na pinabulaanan naman ng mga kaanak ng mga biktima. Sabi ng mga biktima na planted ang mga nakuhang armas sa kani-kanilang tirahan. Isa sa nagpapatunay nito ang Kapitan mismo ng Barangay Roosevelt, Tapaz, Capiz.

Sa salaysay naman ng mga pamilya ng mga pinatay, pilit na pinasok ang kani-kanilang tirahan, pinalabas lahat ng mga kaanak sa bahay saka pinagbabaril ang mga biktima na walang kalaban-laban. May mga salaysay naman ang mga pamilya na tinorture ang ibang mga biktima.

Sampung barangay sa upland na bahagi ng Calinog at Tapaz ang sakop ng operasyon ng mga pulis at militar. Magkakasabay na pinasok madaling araw noong Disyembre 30 ang mga bahay ng mga biktima. Kapareho ito ng Oplan Sauron/SEMPO na isinagawa Negros Oriental ni Debold Sinas.

Base sa salaysay ng kaanak ng mga biktima, may mga duct tape pa na naiwan sa pinangyarihan ng krimen na malamang ay ginamit para igapos ang mga biktima. Pagkatapos ng pamamaril ay ibinalot ang mga biktima sa kumot at ikinarga sa duyan. Hindi din pinahintulutan ang mga pamilya na makita ang katawan ng kanilang mga kaanak. Isinakay ang mga bangkay sa helikopter at hindi alam ng mga pamilya kung saan dinala.

Ang 4 na mula sa Lahug ang naging parte ng listahan ng mga militar na kanilang priority target at naging subject ng mga pananakot at harrasment.

Mga kilalang lider tumanduk na lumalaban para sa kanilang sariling determinasyon at laban sa mapinsalang proyekto ng gubyerno gaya ng Jalaur Dam, NGP at planong Pan-ay Dam ang mga pinatay. Mayroong 15 naaresto ang mga pulis at militar sa nasabing operasyon sa pitong barangay sa upland areas ng bayan ng Calinog, Iloilo at Tapaz, Capiz. ###

One comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s