Timeline ng mga pangyayari kaugnay sa ginagwang pagkakait ng PNP, AFP at Antipolo Memorial Homes sa bangkay ng mga maralita at katutubong pinaslang sa #BloodySunday operations noong Marso 7, 2021.
March 11
11:41AM. Nakatambak na sa daan ang mga pwersa ng AFP-PNP sa punerarya kung saan nakalagak ang mga pinaslang na maralita at katutubo na binibinbin
10:55AM. PANGGIGIPIT NG PNP SA PAMILYA NG MGA BIKTIMA, TEAM, AT MGA ABOGADO SA ANTIPOLO MEMORIAL HOMES.
Nakalabas na ang pamilya at team kasama ang mga paralegal ngunit patuloy parin ang pag hold ng PNP sa labi ng mga biktima.
10:31AM. TUMAWAG NA ANG AFP-PNP NG REINFORCEMENT SA MGA ELEMENTO NG PNP-TANAY
RIZAL—URGENT! Nakararanas ng threat, harassment and intimidation ang hinohostage na paralegals, pamilya ng mga biktima, katribo ng mga katutubong pinaslang at taong simbahan.
Binantaan pa na aarestuhin ang mga ito ng mga armadong elemento. Labis na natatakot at umiiyak na ang mga pamilya ng nga pinatay na gusto lamang maiuwi ang kanilang nga mahal sa buhay
10:30AM. GINIGIPIT PA RIN ANG MGA PAMILYA AT AYAW PALABASIN. PAPASOK ANG KAPULISAN SA LOOB NG ANTIPOLO MEMORIAL SERVICES NGUNIT AYAW ISAMA PAGPASOK ANG ABOGADO NG MGA PAMILYA. AYAW PA RIN HUMARAP NG MAY-ARI SA PAMILYA AT SA LEGAL COUNSEL
10:28AM. ALERT: Tumawag na ang AFP-PNP ng reinforcement sa mga elemento ng PNP Tanay.
Nakararanas ng threat, harassment and intimidation ang hinohostage na paralegals, pamilya ng mga biktima, katribo ng mga katutubong pinaslang at taong simbahan. Binantaan pa na aarestuhin ang mga ito ng mga armadong elemento. Pinagkakaitan din ng karapatang makipag-ugnayan sa abogado nila ang mga pamilya ng mga binibinbin na patay. Labis na natatakot at umiiyak na ang mga pamilya ng nga pinatay na gusto lamang maiuwi ang kanilang mga mahal sa buhay.
10:14AM. PATULOY NA PAGHOSTAGE AT PAGBABANTA NG MGA KAPULISAN
RIZAL—Patuloy ang pagbabanta ng kapulisan sa team at pamilya. Nagbitaw ng salita ang mga berdugo na sila mang aaresto kung patuloy ang pag video at kuha ng litrato ng team at ng pamilyang hostage nila.
Nakausap naman ang may-ari ng Antipolo Memorial Homes na si Sarte ngunit ayaw makipag cooperate sa team at ayaw makinig sa hinaing ng pamilya. Ilegal ang ginagawang pag hold ng AFP-PNP sa mga labi ng mga biktima, maging ang pang hostage sa mga naroon sa area.
9:32AM. PATULOY NA PAG HOSTAGE AT PANGGIGIPIT NG MGA KAPULISAN AT ANTIPOLO MEMORIAL HOMES SA PAMILYA SA LOOB NG PUNERARYA!
“AYAW NILA IBIGAY SAMIN ANG BANGKAY NG TATAY NAMIN!”
9:24AM LIVE | PANGGIGIPIT NG MGA KAPULISAN AT ANTIPOLO MEMORIAL HOMES SA PAMILYA SA LOOB NG PONERARYA—MALA-HOSTAGE NA TRATO.
8:58AM. RIZAL — PAGDATING NG MGA KAWANI MULA SA COMMISION ON HUMAN RIGHTS SA ANTIPOLO MEMORIAL HOMES
Dumating na sa ponerarya ang mga kawani mula sa CHR-Investigation Office Central.
8:50 AM. LABI NG MGA BIKTIMA, HINAHARANG PA RIN MASKI KUMPLETO NA ANG DOKUMENTO AT BAYAD PARA MAILABAS ANG MGA ITO SA PUNERARYA!
RIZAL — Narito ang mga resibo na siyang nagpapatunay na bayad na ang apat na labi para mailabas ang mga ito sa punerarya. Subalit, 12 hours nang hinohostage ang pamilya at ang team sa loob ng punerarya. Maski ang labi ng mga biktima ay hindi pinahihintulutang ilabas at nakaamba pang ilipat ng mga puwersa ng militar.
8:30AM – KARAPATAN NG MGA KAANAK NG BIKTIMA SA LEGAL COUNSEL, PINAGKAKAIT NG MILITAR!
RIZAL — Mapapanood sa video ang “Denial of right to legal counsel,” kasama ang abogado mula sa NUPL. Kasabay ito ng pag hostage sa team sa loob ng Antipolo Memorial Homes.
Tulad ng pagkakait ng militar na makalabas ang pamilya at team na hinostage nila sa loob ng punerarya ay ganoon din ang pagkakait nilang makausap ang abogado ng mga kaanak ng biktima para sa legal counsel.
8:10AM. HOSTAGE KUNG ITURING ANG TEAM AT PAMILYA—PAG ARESTO, PINAPARATING NA NG MGA KAPULISAN
RIZAL — Ayon sa isang source ay may posibilidad na arestuhin ang team na hostage ngayon ng kapulisan sa loob ng Antipolo Memorial Homes. Isang pulis sa katawagang “Katahay” ang lider na kausap ng iba pang kapulisan at nagbabadya ng posibleng pag-aresto sa team ng Karapatan Timog Katagalugan at NUPL, kasama ang mga pamilya. Pinarating ng mga kapulisan sa area na papuntahin na ang iba pang pwersa.
Kasabay nito ay ang muling pag hold sa mga katawan at pag tangay sa katasan ng kapulisan ng Tanay sa mga labi ng mga biktima. Makikita sa litrato ang masahol na pag lock sa team at pamilya sa loob ng punerarya.
7:44AM. RIZAL PROVINCIAL PNP KASAPAKAT ANG ANTIPOLO MEMORIAL HOMES, CHOSTAGE TAKER NG MGA LABI NG NASAWI SA #BLOODYSUNDAY AT NG KARAPATAN QUICK RESPONSE TEAM
RIZAL — Magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapapasok ng mga pulis ang mga abugado, media, paralegal at mga madre sa compound ng Antipolo Memorial Homes — morgue kung saan dinala ang anim na nasawi sa madugong masaker sa probinsya ng Rizal nitong Marso 7, linggo ng madaling araw.
Bagaman sumikat na ang araw ay mas tumindi pa ang panggigipit ng kapulisan sa mga kaanak, pamilya at QRT na nasa loob ng compound. Dumami din ang bilang ng mga pulis at militar na nanghaharang sa funeraria. Hindi maipagkakaila na dinedelay ang pag-release ng labi ng mga katutubong Dumagat gayong nakapagbayad na at naipasa na lahat ng mga dokumentong kinakailangan at may release order na rin mula sa PNP Tanay.
7:35 AM. HINDI PARIN PINAPA-PASOK ANG MGA ABOGADO AT PARALEGAL—PAMILYA AT TEAM TILA HOSTAGE NG KAPULISAN SA LOOB NG PONERARYA
Maaga pa lamang ay tumungo na ang NUPL sa Antipolo Memorial Homes upang maasikaso ang release ng mga labi ng mga biktima. Naisiwalat ang kasinungalingan ng mga pulis sa pagtanggi ng Mayor ng Tanay sa salita nila na siya ang magbabayad—dahilan kung bakit naka hold.
Hanggang ngayon ay naka lock parin ang gate ng punerarya at walang makapasok at labas sa team at miyembro ng pamilya ng mga biktima. Tila hostage ang turing ng kapulisan sa kanila at patuloy ang pag dating ng pwersa ng mga ito.
7:05 AM. MGA PULIS SINUNGALING!—MAYOR NG TANAY, RIZAL, HINDI ALAM NA GINAGAMIT ANG KANYANG PANGALAN.
RIZAL — Kahapon pa lamang ay hinohold na ang mga katawan sa Antipolo Memorial Homes ng mga kapulisan at ginagamit ang kataga na “babayaran ni mayor (ng Tanay),” upang mapigilan ang release ng mga labi ng mga biktima kahit na kumpleto na ang mga dokumento at bayad na sa ponerarya. Nakumpirma ng QRT na walang kaalam alam si Mayor Tanjuatco na ginagamit ng mga kapulisan ang kanyang pangalan upang i-delay ang pag-release ng mga labi ng nasawi sa Bloddy Sunday sa probinsya ng Rizal.
Ngayo’y kinakausap na ang gobernador ng Rizal upang humingi ng tulong sa pag release ng mga labi upang mapag luksaan ng mga pamilya.
6:32 AM. RIZAL — AYAW PAPASUKIN NG ANTIPOLO MEMORIAL HOMES ANG MGA ABOGADO AT PARALEGAL NG MGA PAMILYA NG BIKTIMA—MGA PULIS DINIDIKITAN ANG MGA PAMILYA.
Hindi ikinatuwa ng mga pulis at ponerarya ang pag kalampag upang sila ay makapasok. Giniit naman ng mga abogado at paralegal na wala sila sa lugar magalit sa pagkat sila ang nang gigipit sa mga pamilya at cause of delay ng pagrelease ng mga labi ng Rizal 6.
6:21 AM. RIZAL — GINIGIPIT AT AYAW PAPASUKIN NG ANTIPOLO MEMORIAL HOMES ANG MGA ABOGADO AT PARALEGAL NG MGA PAMILYA NG MGA BIKTIMA.
UPDATE | Ayaw naman harapin ng may-ari na si Sarte ang abogado at paralegal team—pilit na pinapatagal ang proseso. Paulit-ulit sa katagang “babayaran ng mayor,” na nagiging hadlang sa pag release ng mga labi. Makikitang dinidikitan parin ng mga pulis sa loob ang pamilya.
12:37 AM. MILITAR AT PULIS, PINAPALIBUTAN ANG ANTIPOLO MEMORIAL HOMES.
RIZAL—UPDATE | Mamamataan ang dalawang 6×6 na trak, tatlong mobil ng PNP, at mga motor na halos karamihan ay walang plaka sa labas ng Antipolo Memorial Homes.
Nakaka alarma naman ang mahigit na dalawang 6×6 trak na naka antabay sa labas ng eskinita malapit sa gate ng punerarya.
Dala nito ay ang nais nila na maghasik ng takot gamit ang kanilang armadong presensya sa pamilya ng mga biktima at sa team na ang tanging bitbit ay ang panawagan na mailabas na ang mga labi ng mga biktima. Ang pag deploy ng sobra-sobrang pwersa ay nagpapakita na patuloy ang panggigipit ng AFP-PNP sa mga nasa ponerarya. Nararapat lamang na sila ay umalis upang maging mapayapa ang pag release ng mga labi ng Rizal 6.
#ReleaseTheBodies #StopTheAttacks #DefendSouthernTagalog