Pagkamatay ng matandang lalaki sa pila ng pantry, huwag isisi kay Angel Locsin at mga community pantries

Nakikiramay kami sa pamilya at kaanak ni G. Rolando Dela Cruz na namatay pagkaraang himatayin sa pila ng community pantry na binuksan ni Angel Locsin sa Quezon City ngayong umaga.

Lubhang nakakalungkot ang nangyari subalit hindi dapat ito isisi kay Angel o sa community pantries. Ang daan-daang katao na pumipila sa mga pantries bawat araw ay nagpapakita ng desperasyon at matinding kagutuman ng mamamayan na walang trabaho, walang natatanggap na ayuda, at nawawalan na ng pag-asa sa gobyerno.

Hindi kasalanan ni Angel na maraming Pilipinong nagugutom. Mabuti pa rin ang inisyatiba nya at ng iba pang nagbukas ng community pantries, kahit limitado ang kanilang pera ay tumutulong sila sa ating mga kababayan.

Samantalang halos magmakaawa ang mahihirap para sa ayuda mula sa gobyerno, samantalang bilyon-bilyon ang hawak nitong pondo. Huwag sanang gamitin ng DILG, ng PNP at NTF-ELCAC ang insidenteng ito para gipitin o pigilan ang mga community pantries. Ang kailangan ng masa ay pagkain at kabuhayan, ayuda at serbisyo mula sa gobyerno. (Image by George Calvelo ABS-CBN)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s