Pakikiramay sa pagpanaw ni Felino Cunanan Jr.

Nagpapaabot ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ng pakikiramay sa mga naiwang kapamilya, kaibigan, at kasama ni Felino Cunanan Jr., tagapangulo ng MAKISAMA-Tinang.

Pumanaw si Tatay Felino umaga ng Nobyembre 6, matapos atakihin sa puso. Kinamatayan niya ang paghihintay na ma-install sa lupa ang mga magsasaka at manggagawang bukid ng Tinang.

Kahapon, Nobyembre 5, bahagi si Tatay Felino sa mga nanguna sa “field day” ng Makisama. Pumili ang samahang magbubukid ng pinakamahuhusay mula sa kabuuang 50 variety ng palay sa kanilang trial lot. Pinasimulan sa pakikipagtulungan sa iba pang organisasyong magsasaka, layunin nitong matukoy ang pinakaangkop na variety sa kanilang lugar para sa mas malaganap at produktibong pagtatanim.

Kinahapunan ng parehong araw, pinuntahan si Tatay Felino ng isang “Sgt. Agudal” at iba pang tauhan mua sa 31st Mechanized Infantry Company ng AFP. Pinalalayo nito si Tatay Felino sa Anakpawis at Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon, rehiyunal na tsapter ng KMP. Ito ang pinakahuli sa mga serye ng red-tagging at pagbabanta laban kay Tatay Felino na isa rin sa Tinang 83, mga marahas at ilegal na inaresto noong Hunyo 9.

Matagal nang may iniindang sakit si Tatay Felino subalit hindi nito pinahupa ang mga atake ng militar, mga ahente sa lupa, at punong aryendador na si Noel Villanueva.

Noong nakarang buwan, nirefer na ng Tarlac Provincial Court sa DAR-Tarlac ang mga gawa-gawang kasong isinampa laban sa #Tinang83 para tukuying saklaw ang mga ito ng alitan sa lupa o “agrarian dispute.”

Lalong mabigat na trahedyang hindi na inabutan ni Tatay Felino ang ganap na pagpapasakanila ng kanilang lupang sinasaka. Gayunpaman, maningning na inspirasyon ang mahigpit na paninindigan ni Tatay Felino para sa mga karapatan ng magbubukid sa kabila ng pandarahas, pananakot, gawa-gawang kaso, panunuhol, at kaniyang mga personal na limitasyon.

Pagpupugay sa buhay at pakikibaka ni Felino Cunanan! Hustisya sa kaniyang pagkamatay!

I-install na ang mga magsasaka ng Tinang!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s