Sitwasyon ng sibuyas, nagpapakita ng malalang kalagayan ng agrikultura — KMP

Sa motu propio na pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food sa posibleng hoarding at price manipulation ng mga agricultural commodities gaya ng sibuyas at bawang, sinabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na ngayong naisisiwalat na ang di-makatarungang kartel o mafia sa sibuyas — dapat tugisin at parusahan ang mga tunay na nasa likod nito. “Hinihintay naming magsalita at magpaliwanag ang matatas na opisyal ng DA, DTI at Bureau of Customs.”

“Umaasa rin ang publiko na may mananagot sa hoarding, smuggling at manipulasyon sa presyo ng sibuyas na nagpasirit sa pinakamataas na presyong P700-P800 kada kilo noong Disyembre-Enero. “Sibuyas pa lang ito. Marami pang ibang agricultural crops gaya ng bigas, bawang, at iba pa na kaya namang itanim at likhain ng mga magsasakang Pilipino subalit napakataas ng import dependency rate natin.”

Ayon sa KMP, hindi pa matatapos sa pagdinig ng Kongreso ang usapin ng sibuyas at malaki pa ang ipaliliwanag ng DA, Bureau of Plant and Industry at maging ng Bureau of Customs sa kalagayang ito.

Lumabas sa ulat mismo ng gobyerno noong Agosto 2022 na nasa 122% pa ang sufficiency level ng bansa sa sibuyas pero wala sa merkado o mga palengke ang sibuyas, dahilan kung kaya lumobo ng husto ang presyo sa huling quarter ng 2022 habang mataas ang demand. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority ang self-sufficiency ng bansa sa sibuyas ay 113% (2020), 120% (2021) at 122% (2022) subalit iba naman ang sinasabi ng DA-Bureau of Plant and Industry na may shortage ng sibuyas.

Nalaman din sa pagdinig na nauunang ilagay sa mga cold storage ang mga imported na prutas gaya ng mansanas, orange kaysa sa sibuyas na ani ng mga lokal na magsasaka. Nasa 151 ang kabuuang accredited cold storages ng DA-BPI.

Ayon sa KMP, sa pangmatagalan, kailangang paunlarin ang produksyon at distribusyon ng sibuyas, atbp. produktong agrikultural. Sa kagyat, dapat na bawiin ng gobyerno ang kautusan nitong importasyon ng 21,060 metriko tonelada ng sibuyas lalo pa ang nasa kasagsagan ng anihan.

Nangangamba ang mga magsasaka ng sibuyas na malulugi na naman sila dahil sa pagpasok ng imported na sibuyas sa bansa. ##

PANOORIN ang hearing ng House Committee on Agriculture and Food dito: https://www.facebook.com/HouseofRepsPH/videos/1185427838772133

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s