Sabado, Marso 5, 2022 2 p.m. Utrecht time
Pambungad na Presentasyon ni Prop. Jose Maria Sison
1. Mula Kievan Rus
Sa ika-9 na siglo, naging duyan ng lahing Ruso ang Kievan Rus. Nagbuhat ang mga Ruso sa mga Viking na tinawag ding Varangian. Dito ang balwarte ni Rurik at kanyang dinastiya na itinuturing pinagmulan ng lahing Ruso. Pero sa kalaunan dumami rin mula sa mga lokal na tribu ang naging Ukraino na ang lengguahe at kultura ay nahawa at naging kahawig ng lengguahe at kultura ng Ruso dahil sa interaksyon ng dalawang nasyonalidad.
Sa mga ika-12 at ika-13 siglo dumating ang mga Monggol para magdomina sa mga Ruso at Ukraino at nagkaroon ng masalimuot na kasaysayan hanggang kalaban ng mga Ruso ang mga Monggol at Tatar. Sa ika-15 siglo naging sentro ng mga Ruso ang Moscow. Malaki na ang populasyon at lumaki ang saklaw ng teritoryo nila. Umunlad ang sistemang pyudal at kumalat ang Orthodox Christianity hanggang lumitaw ang kapitalismo at naging imperyalistang militar-pyudal ang Rusya.
2. Rebolusyong Oktubre hanggang kontra-opensiba laban sa Nazi Germany
Dahil sa unang inter-imperyalistang gera, World War II, nagkaraoon ng paborablen pagkakataon ang mga Bolsebiko na magrebolusyon. Nagwagi sila noong Oktubre 1917. Isa sa mga republikang maagang naitayo ng mga Bolsebiko ay Ukraina katulad ng Rusya at Belarus. Ang tatlong republikang ito ay naging pundador at buod ng USSR na tinayo noong 1922 nang manalo sa Gera Sibil ang mga Bolsebiko.
Kung ano ang saklaw ng imperyong Ruso ng mga Tsar, yon din sa pangkalahatan ang saklaw ng USSR. Matapos ang New Economic Policy ni Lenin, isinagawa ni Stalin ang pagtatayo ng sosyalistang industriya at kolektibisasyon at mekanisasyon ng agrikultura. Naging target ng agresyon ng Nazi Germany ang USSR noong World War II. Sinakop ito, pinaslangan ito ng 27 million at sinira ang 85 porsyento ng industriya. Pero nanaig ang USSR at sa kontra-opensiba itinumba ang mga pasistang gobyerno hanggang Berlin at nagkaroon ng batayan ng mga dagdag na sosyalistang bansa sa Silangang Europa.
3. Pagsulpot ng makabagong rebisyonismo at panunumbalik ng kapitalismo
Matapos ang World War II, nagdeklara ang US ng Cold War laban sa USSR noong 1948, nagtayo ng NATO noong 1949 at naging agresibo. Nagalit sa pagwawagi ng USSR, pagdami ng bansang sosyalista at paglakas ng mga kilusan ng pambansang pagpapalaya. Noong 1955 nagtayo ang USSR at mga bansa sa Silangang Europa ng Warsaw Pact bilang panagot sa NATO. Sumulpot naman ang makabagong rebisyonismo at mga patakaran ng pagpapanumbalik ng kapitalismo sa ilalim ng Khruschov noong 1956.
Inakala ng mga rebisyonista hanggang kina Gorbachov at Yeltsin na kung maging kapitalista na ang USSR, magkakaroon ng katapusan sa Cold War, kapayapaan at paglaho ng peligro ng nuclear war. Nang lubusang naging kapitalista na ang USSR, binuwag ito sa pamamagitan ng Minsk Agreement ng 1991 ng Russia, Belarus at Ukraina. Nakasaad sa agreement ang assurances ng US., NATO at OSCE na hindi gagawing mga kasapi ng NATO ang mga dating kasapi ng Warsaw Pact at huwag tumbukin ang mga border ng Rusya.
4. Paglabag ng US at NATO sa Minsk Agreement ng 1991
Mahinang-mahina pa ang Rusya dahil sa pagbuwag ng USSR at kaguluhan sa lubusang pagiging kapitalista, sinagpang ng US at NATO ang ganap na pagsira sa Yugoslavia, pagpapalawak ng NATO sa mga 14 na bansa hanggang sa mga border ng Rusya, panggugulo sa Georgia at Chechniya at paggamit ng mga tinawag na color revolution para ilagay ang Silangang Europa sa impluwensiya ng US at NATO.
Gumastos ang US ng USD 5 billlion sa Ukraina para suportahan ang mga Bandera-type na neo-Nazi o pasista para magsagawa ng Maidan protestang masa magmula 2013 hanggang sa madugong kudeta na nagtumba sa maka-Rusyang gobyerno ni Yakunovich noong 2014. Sinalakay ng bagong gobyerno ang Donbass region kung saan nakakarami ang mga Ukrainong Ruso at nagmasaker ng mga Ruso sa mga mayor na lungsod ng Ukraina.
5. Paglaban ng mga Ukrainong Ruso at Rusya sa mga pasista ng Kyiv
Lumaban ang mga Rusong mayorya sa Donbas region hanggang nagtayo sila ng mga people’s republic ng Donetsk at Lugansk alinsunod sa karapatan ng sa pambansang kasarinlan sa ilalim ng batas internasyonal. Nagbigay ng limitadong suporta ang Rusya sa kanila. Pero ang malaking ginawa ay binawi ang Crimea na dating irinegalo ni Krushchov sa Ukraina noong 1954 bilang pakulong pampulitika. Malaking mayorya ang mga Ruso rito dahil sa nakakabit at pag-aari ng Rusya nang ilang siglo. Nagreferendum sila noong 2014 para ibalik ang Crimea sa Rusya.
Dahil sa magiting at mabisang paglaban ng mga taumbayan at republika ng Donbas sa mga pasista, nagkaroon ng Minsk II Agreement ng 2015 para magkaroon ng tigil-putukan, kilanlin ang autonomiya ng dalawang people’s republic at magkaroon ng line of contact para ipagbawal ang pagdadala rito ng mga arteleriya at iba pang malakas na gamit militar. Gayunman, walang tigil ang pagsalakay ng gobyernong Kyiv at mga pasista sa Donbas region.
6. Pinsala sa mga Ruso sa Ukraina at balak na blitzkrieg
Sa panunulsol ng US at NATO sa rehimeng Kyiv, mga 14,000 na Rusong Ukraino ang pinaslang ng mga pasista magmula 2014 hanggang 2022. Lumayas ang 3 milyong Rusong Ukraino. Paulit-ulit na sinasalakay ang mga tahanan, pagawaan, eskwela, ospital at iba pang civilian infrastructure ng Donbas. At minamasaker ang mga sibilyang Ruso sa apartment at kapitbahayan sa mga lungsod. Bumaba ang populasyong Ruso sa Ukraina magmula 22 per cent noong 2024 sa 17 per cent sa kasulukuyan.
Magmula sa nakaraang taon, minamadali ng US at NATO na magmember na sa NATO ang Ukraine. Ilinagay ang militar ng Ukraine sa ilalim ng command and control ng NATO. Pinarami ang base militar sa border ng Ukraina at Rusya at dinalasan ng mga US at British military ang pagsasanay at exercise ng Ukrainian military. At may blitzkrieg plan ng Ukraine laban sa Donbas region. Nalaman ng Rusya at people’s republic ng Donestsk at Lugansk ang lahat nito.
Dahil sa gayon, humingi ang Rusya mula sa US at NATO ng mga garantiya an hwag gawing kasapi ng NATO ang Ukraine noong Disyembre 2021. Pero tumanggi ang US at NATO. Ang resulta: noong Pebrero 21 ipinahayag ng Rusya na kinikilala ang mga people’s republic ng Donetsk at Lugansk, may tratado na sila ng pagkakaibigian at mutwal na seguridad at depensa at maglulunsad na ng special military operation laban sa Ukraina dahil sa mga kriminal na paglabag nito sa mga Minsk Agreement.
Mga Paunang Tanong Mula KMP:
1) Maapektuhan ba ng sigalot sa Ukraine ang presyo ng langis sa Pilipinas na patuloy pang tumataas dahil sa patakarang deregulasyon?
JMS: Maapektuhan ng sigalot sa Ukraine ang presyo ng langis sa Pilipinas at patuloy pang tataas dahil sa patakarang deregulasyon o malayang pagpapataas ng presyo ng mga monopolyong supplier ng langis at gas sa Pilipinas.
Walang tuwirang sanction ng mga bansang G-7, EU at NATO sa langis at gas mula sa Rusya pero may mga sanction na nakakahadlang sa mga pinansiyal na transaksyon ng Rusya sa mga bangko at sa shipping na nagdadala ng oil at gas mula sa Rusya. Kung gayon, mababawasan nang malaki ang supply ng langis at gas at refined products nito sa pandaidigan pamilihan. Dahil sa kakulangn ng enerhiya tulad ng oil crisis ng 1973, lilipad ang presyo ng langis at gas.
Ang Rusya ay isa sa mga pinakamalaking prodyuser at supplier ng langis at gas and refined products. Ang araw-araw na production nito ay 5.5 million barrels. Kalahati ng mga bansang NATO mismo ay mga kliyente ng Rusya. Sa pagharang ng supply mula sa Rusya sa world market, magkakaroon ng malaking kakulangan ng enerhiya at tiyak na magtataasan ang presyo ng langis at gas mula sa ibang bansa.
2) Ano ang direkta at di direktang epekto ng nagaganap sa Ukraine sa pamumuhay at kabuhayan ng mga Pilipino?
JMS: Hindi man tayo kumukuha ng langis at gas mula sa Rusya, apektado tayo ng pagtaas ng presyo dahil sa kakulangan ng langis at gas sa world market. Magsasamantala ang mga oil-producing countries sa Middle East at mga US oil companies para pataasin ang presyo ng langis at gas na inaagkat ng Pilipinas kahit na sinasabi ng US kaya niyang suplayan ng shale oil ang EU dahil sa overproduction nito sa pamamagitan ng fracking.
Pero bago pang magkaroon ng krisis at labanan sa Ukraine at sanctions laban sa Rusya, problema natin ang pagtaas ng mga presyo ng maraming bagay na imported dahil sa malalaking depisit ng Pilpinas sa badyet at panlabas na kalakalan, mabilis na paglaki ng public debt at ng bayad sa mga utang. Kung gayon, kulang tayo sa pera para sa pag-angkat ng mga kasangkapan at sangkap sa produckyon at ng mga consumer products. Ang resulta nito shortage of supply at paglipad ng presyo o implasyon. Malaking problema ito ngayon at sa darating na panahon sinuman ang presidente.
3) Bakit hindi dapat neutral ang posisyon o paninindigan ng gobyerno ng Pilipinas sa sigalot sa Ukraina?
JMS: Sa abot ng kaalaman ko, wala pang maliwanag na patakaran ng rehimeng Duterte kung ano man ang posisyon nito tungkol sa krisis at labanan sa Ukraina. Sabi ni Duterte na neutral siya pero sabo niya ring suicidal di Putin sa isang interview. Magulo ang statement. Malamang na sumusunod si Duterte sa linya ng US laluna ngayong sumisipsip sa US dahil sa halalang 2022. Hindi ako magtataka kung pro-US at pro-NATO.
Sa pangkalahatan, ang lahat ng mga imperyalista at papet nilang pasista ay masama para sa mga anakpawis at nakikita natin na ang US ang No.1 na kaaway at sumesegunda ang iba. Pero dapat tayong maging mapanuri sa mga bangayan at kutsahaban ng mga imperyalista sa iba’t ibang kalagayan at isyu. At ginagamit natin ang international law para alamin kung aling imperyalista ang lumalabag batay sa konkretong kalagayan.
Sa Ukraina, ang US at NATO ang may pananagutan at malaking krimen sa pakikipagsabwatan sa mga pasista ng Ukraina noong 2013 st 2014 para maisagawa ang mga protestang Maidan at paggawa ng madugong kudeta para ibagsak ang halal na maka-Rusyang gobyerno. Pagkatapos sinusulan ng US at NATO ang mga pasistang papet nila sa Kyiv na salakayin ng mga Ruso sa Donbas region at sa mga kalusuran, Minasaker ang 14,000 Rusong Ukraino at napalayas ang 3 milyon sa nakaraang walong taon.
Magmula sa nakaraang taon, itinulak ng US ang mga awtoridad ng Kyiv na maging miyembro ng NATO ang Ukraina. Ito ay paglabag sa Minsk Agreement ng 1991 na nagbabawal sa pagiging myembro ng NATO ang mga dating myembro ng Warsaw Pact. At nagkaroon pa ng balak na blitzkrieg laban sa mga people’s republic sa Donbas region. Nagsasabi pa si Zelensky na bawiin ang Crimea sa pamamagitan ng pagsalakay. Dahil dito, binalak at isinagawa ng Russia ang special military operation at pagkilala sa mga people’s republic sa Donbas.
4. Ano ang mas magiging pakinabang pa ng US, China at iba pang imperyalistang bansa sa nangyayari sa Ukraina.?
JMS: Nagtagumpay ang US sa paggamit sa mga pasista ng Ukraine para maglagay ng militar na instalasyon sa loob ng Ukraina at border ng Rusya at para iproboka ang Rusya na magspecial military operation. Napatingkad ng US ang kanyang leadership at command sa NATO at napapasunod ang EU.
Makikinabang ang mga monopolyong US dahil sa langis at gas supply mula US ang ang ipapalit sa Russian supply sa pamamagitan ng Nord Stream 2. Loser ang EU. Mas mura at mas estable ang galing sa Rusya. Makikinabang din ang US military-industrial complex dahil sa lalaki ang mga kontrata nito sa military production.
Sampung por syento lamang ng ekonomiya at kalakalan ng Rusya ang may pinsala bunga ng mga sanctions. Sapilitang lalong hihigpit ang relasyon ng Rusya at Tsina. Balak na yong gas na aagos sana sa Nord Stream 2 ay ililipat sa pipeline tungo Tsina via Siberia. Maayos ang food producion ng Rusya. Kung saan ito mahina, tulad sa consumer manufacturing, makukuha ng Rusya ang lahat ng kailanganh produkto mula sa Tsina. Lalong magutulungan sila sa balangkas ng BRICS, BRI, Eurasian Economic Union at SCO. Pinakamalaking makikinabang ang Tsina sa mga imperyalistang poder dahil sa sigalot sa Ukraina.###