SINAGBAYAN | Pinakamataas na pagpupugay kina Wilma Austria-Tiamzon at Benito Tiamzon

Para kina Wilma “Ka Bagong-tao” Austria-Tiamzon at Benito “Ka Laan” Tiamzon

โ€œ๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ, ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข. ๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด.โ€

โ€” Wilma โ€œKa Bagong-taoโ€ Austria-Tiamzon

โ€œ๐˜–๐˜ณ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข. ๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฐ. ๐˜”๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฐ๐˜ณ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ข.โ€

โ€” Benito โ€œKa Laanโ€ Tiamzon

Kaming mga manggagawang pangkultura at peasant advocates mula sa Sining na Naglilingkod sa Bayan (SINAGBAYAN) ay ipinapaabot ang aming pakikiisa, pakikiramay, pagkilala’t pinakamataas na pagpupugay sa mag-asawa at mga rebolusyonaryong martir ng sambayanan na sina Benito Tiamzon,Wilma Tiamzon at 8 pang mga kasama nila (#Catbalogan10) matapos makumpirma ang brutal na pag-tortyur at pamamaslang sakanila ng mga berdugong 8th Infantry Division at Joint Special Operations Task Force-Trident sa Catbalogan, Samar noong ika-21 ng Agosto 2022.

Ang brutal na pagkamatay nina Ka Bagong-tao at Ka Laan at  8 pang kasamahan nila sa kamay ng mga berdugong pwersa ng militar ay malinaw na patunay sa katotohanang kailanman ay hindi nirerespeto at hindi kinikilala ng AFP at ng mismong pasistang estado ang mga karapatan ng sambayanang nais lumaban para sa kalayaan. Taliwas ito sa pagpopostura nila bilang โ€œmaka-mamamayang institusyon.”

Litaw na litaw ang kawalang pagkilala ng estado sa International Humanitarian Law at tahasang paglabag nito sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at GPH-NDFP Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG) na pumoprotekta sa mga nagsusulong ng usapang pangkapayapaan mula sa NDFP.

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—ช๐—ถ๐—น๐—บ๐—ฎ “๐—ž๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด-๐˜๐—ฎ๐—ผ” ๐—”๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ-๐—ง๐—ถ๐—ฎ๐—บ๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ โ€œ๐—ž๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฎ๐—ปโ€ ๐—ง๐—ถ๐—ฎ๐—บ๐˜‡๐—ผ๐—ป, ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ. Ang tunay na mga terorista ay ang berdugong militar at ang pasistang rehimeng US-Marcos Jr. na sinubukan pang maniobrahin at pagtakpan ang karumal-dumal na krimen na kanilang ginawa sa #Catbalogan10 na kilala bilang mga hayag na peace consultants na humaharap sa mga usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga nagdaang administrasyon ng Gobyerno ng Republika ng Piipinas (GRP) at National Democratic Front of The Philippines (NDFP).

Makatarungan ang ating panawagang panagutin ang rehimeng US-Marcos Jr. sa krimen na kanilang ginawa at lalong pag-ibayuhin ang pagsusulong sa pagpapatuloy ng Peace Talks. Hindi sa pagpaslang sa mga rebolusyonaryo matutuldukan ang nag-aalab na diwang rebolusyonaryo ng masang Pilipino sapagkat lalo lamang nitong binibigyan ng katuwiran ang pagtahak sa โ€˜di pangkaraniwang landas ng pinakamataas na antas ng pakikibaka, bitbit ang layuning palayain ang malawak na uring anakpawis mula sa mahabang tanikala ng pananamantala ng iilan. Ika nga ni Wilma “Ka Laan” Austria-Tiamzon, “๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ช-๐˜ข๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข.”

Matagal nang magkasama at magkaagapay sa laban ang mag-asawang Tiamzon. Sila ay kilalang mga opisyal ng Partido Komunista ng Pilipinas at National Democratic Front of The Philippines (NDFP) kung saan nagsilbi bilang peace panel si Benito Tiamzon at peace consultant naman si Wilma Austria-Tiamzon. Magkatuwang silang nakiisa sa pagpapabagsak sa nagdaang diktadura ni Marcos Sr. noong 70s at 80s at mahigpit na tinanganan ang gampanin sa muling panunumbalik ng usapang pangkapayapaan sa ilalim ng rehimeng Duterte matapos nilang makalaya upang maging kinatawan ng NDFP sa Peace Talks.

Maituturing na instrumental na haligi ng pakikibaka ng sambayang Pilipino ang mag-asawang Tiamzon buhat ng kanilang hindi matatawarang ambag sa laban para sa ganap na paglaya ng bansa. Palagian ang kanilang pagpapaalala sa pagsusulong sa pakikibakang antipyudal sapagkat mahalagang salik ito sa pagpapalawak at pagpapatatag sa rebolusyonaryong masa sa kanayunan. Higit pa rito, kanila ring idiniin na ubos-kaya at puspusang organisahin at pakilusin ang masa sapagkat tanging sa pamamagitan lamang nito tunay na makakalaya ang sambayanan, gamit ang kanilang kolektibong lakas, sa mga umaapi at nananamantala sakanila.

Mula sa pagiging high school sweethearts, kapwa mga iskolar ng bayan, aktibista, progresibong manununulat, organisador, peace consultants, at mga tunay na bayaniโ€™t marytr ng rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanang Pilipino, malinaw na inilarawan ng buhay nina Ka Bagong-tao at Ka Laan ang kahulugan ng tunay at dalisay na pag-ibig nang sabay nilang baybayin ang ‘di pangkaraniwang landas ng pakikibaka habang mahigpit na pinanghahawakan ang kataga’t prinsipyong “๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป” hanggang sa huling bahagnan ng kanilang mga buhay.

Mabuhay ang mag-asawang Tiamzon!

Mabuhay ang pakikibaka ng sambayanan!

Hustisya para sa Catbalogan 10!

Panagutin ang berdugong AFP!

Rebolusyonaryo hindi terorista!

Peace Talks, Ituloy!

#JusticeForCatbalogan10

#DiMataloTalo

#DiMagagapi

#ImperyalismoIbagsak

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s