Usapang Biden-Marcos may pakinabang ba talaga sa ordinaryong Pilipino?

Itinanong ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kung mayroon ba talagang pakinabang sa taumbayan ang nagaganap na pag-uusap ngayong araw nina Pangulong Marcos Jr. at United States President Joe Biden. Nasa Estados Unidos ang Pangulo para makipagtalakayan kay Biden at mga opisyal ng U.S. kaugnay sa relasyong militar at Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Posibleng maglabas ng bagong US-Philippines Bilateral Defense Guidelines bilang pag-update sa MDT na 60 taon na mula nang maaprubahan.

Itinuloy ang pag-uusap sa kabila ng walang tigil na tensyon sa West Philippine Sea dahil sa patuloy na pang-uupat ng China at mga barko nito na nasa mga karagatang saklaw na ng exclusive territorial waters ng Pilipinas.

“Wala kaming makita na magiging konkretong pakinabang ng ordinaryong masa sa pag-uusap nina Marcos Jr at Biden. Ano ang magiging resulta nito sa panawagan ng masa na dadag na trabaho, ayuda, pagbaba ng presyo at pagpapabuti ng serbisyo, at iba pa. Sa halip, mas nangangamba kami na lalo pang titindi ang tensyon sa West Philippine Sea dahil sa agresibong pagpapakita ng U.S. ng lakas militar nito at ang pagiging sunud-sunuran naman ng gobyerno ng Pilipinas sa lahat ng gusto ng U.S. Sa bawat tensyon sa karagatan sa West Philippine Sea, apektado ang ating mga mangingisda,” ayon kay Danilo Ramos, lider ng KMP.

Tinuligsa rin ng grupo ang nagaganap na Cope Thunder Air Force exercises na isinasagawa sa dating Clark Airbase.

“Hindi totoo na para sa kapakanan ng mamamayan Biden-Marcos meeting dahil sigurado na interes lang ng U.S. ang mamamayani at masusunod. Mas nakakabahala pa, lalo tayong makakaladkad sa gera sa pagitan ng mga military superpowers na U.S. at China,” dagdag pa ni Ramos.

Bukod sa usapang seguridad at relasyong militar, layon din umano ng Pangulo na makakuha ng mga investors sa semi-conductor industry, critical minerals, renewable and clean energy – kabilang ang nuclear infrastructure at iba pang proyekto magpapaunlad ng ating digital telecommunications systems. Magpapatulong din umano ang Pangulo sa U.S. kaugnay sa food security, agrikultura, at cybersecurity.

Sa kasaysayan ng mga pinasok na kasunduang militar ng gobyerno ng Pilipinas at U.S., hindi ito para depensahan ang Pilipinas kundi para isulong ang mga interes ng US sa Asya-Pasipiko. Kaya rin hindi tunay na namomodernisa ang AFP ay dahil nakaasa lang ito sa mga surplus at pinaglumaang kagamitan ng Estados Unidos. ###

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s