Itaas ang sahod ng mga manggagawa sa agrikultura, presyo ng pagkain ibaba!

Nakikiisa ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa panawagang itaas ang sahod ng mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor, kabilang ang mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura gaya ng mga manggagawa sa mga plantasyon, tubuhan at iba pa. Kabilang ang mga manggagawa sa agrikultura sa naghain ng petisyon ng pagtataas ng sahod sa mga regional wage boards.

Panawagan na itaas sa P750 kada araw ang minimum na sahod ng mga agricultural workers na tumatanggap ng mas mababa kaysa sa mga nasa non-agricultural na sektor. Batay sa datos mismo ng gobyerno, nasa P331 kada araw ang average nominal wage ng mga manggagawa sa agrikultura — P335 kada araw para sa mga lalaking manggagawa at mas mababa ang tinatanggp ng mga babaeng manggagawa na P304 kada araw sa average.

Halimbawa sa mga tubuhan at plantasyon, ang mga agriculture workers ang gumagawa ng trabaho na pag-aalis ng damo, pagtatanim, paglalagay ng fertilizer, pagtatabas o paglilinis at pag-aani ng mga pananim.

“Napakalayo ng sahod ng mga manggagawa sa agrikultura kumpara sa patuloy na tumataas na cost of living. Sabi nga, sahod alipin ang tinatanggap ng mga manggagawa sa agrikultura at wala rin sila halos nakukuhang mga benepisyo at proteksyon sa paggawa,” ayon kay Danilo Ramos, tagapangulo ng KMP. Wala rin seguridad sa trabaho ang mga manggagawa sa agrikultura.

Sinabi ng grupo ng mga magsasaka na ngayon ngayon higit na kailangan ang dagdag sahod lalo pa at mananatiling mataas ang food inflation sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas.  

Sa isang ulat kaugnay sa food security, inihayag na katumbas ng mas mataas sa 5% ang inflation sa low-income countries at maraming bansa ang nakakaranas ng double-digit inflation. Pati mga high-income na bansa ay nakakaranas ng high food price inflation at pinaka apektado ang mga nasa Africa, North America, Latin America, South Asia, Europe, at Central Asia. Magreresulta ito ng mas mataas ng food insecurity ng mamamayan.  

Hindi naman ikinatuwa ng KMP ang anunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang magaganap na anunsyo ng pagtaas ng sahod para sa mga manggagawa sa Mayo Uno. Sinabi ng DOLE na KADIWA ng Pangulo, mga Job Fair at Libreng Sakay ang nakatakda sa mga aktibidad ng gobyerno para sa mga manggagawa at pagbibigay ng non-wage benefits ang inaasikaso ng DOLE.

Inulit ng KMP sa Department of Agriculture (DA) ang panawagan nito na Apat na Dapat para maibaba ang presyo ng bigas at makamit ang rice self sufficiency:

(1) Pagpapanatili  ng mga magsasaka sa lupa, pagpapalawak ng mga sakahan, kultibasyon ng mga lupang tiwangwang, at pagpapatigil sa kumbersyon ng lupang agrikultural

(2) Pagbibigay ng subsidyo, ayudang P15,000, at suportang serbisyo, probisyon ng serbisyong irigasyon, post-harvest facilities, at suporta sa merkado, atbp.

(3) Itigil ang import-liberalization at mga patakarang neoliberal, pagbasura sa Rice Liberalization Law, World Trade Organization ā€“ Agreement on Agriculture, at Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), atbp. , at mga importation orders

(4) Pagpapatupad ng Tunay na Reporma sa Lupa, pagsasabatas ng food security bills na inihain ng Makabayan reps katulad ng Genuine Agrarian Reform Bill (GARB), Rice Industry Development Act (RIDA)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s