Nagkandarapa ang gobyerno sa panlilinlang gamit ang kung anu-anong programa sa bigas, kabilang ang maximum SRP, pag-tanggal ng labels ng imported rice, pati ang pagdedeklara ng Food Security Emergency, samantalang mismong mga patakaran nito, pangunahin ang Rice Liberalization Law, ang ugat ng di mapigilang pagsirit ng presyo ng bigas.
Sa harap ng lumalalang kalagayang pang-ekonomya, nananatili ang panawagan para sa tuwirang pagpapababa ng presyo ng bigas na maging aksesible at abot-kaya. Inihahandog ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas: posible nga ba ang P 25 na kilo ng bigas?
#BigasSeryePart2
