Ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ay nakikiisa sa mga mamamayang Mindoreño sa pagkundena sa nagpapatuloy na militarisasyon sa isla ng Mindoro na naghahatid ng katakut-takot na pinsala sa buhay at kabuhayan ng mga magsasaka at katutubong Mangyan, kasabay ng pagpapatupad ng mga mapanirang proyekto na umaagaw sa lupang ninuno ng mga katutubo, nag-aalis ng karapatan sa mga magbubukid para sa kanilang lupang sakahan, at paninira sa kalikasan ng mga dambuhalang korporasyon.
Panawagan sa lahat ng mga nagmamahal sa kapayapaan at hustisya na makiisa sa panawagang ito. Maaaring sumuporta sa pamamagitan ng:
⚡ GAMITIN ANG ATING PUBMAT AT PALAGANAPIN SA IBA’T IBANG SOCIAL MEDIA PLATFORMS
⚡ HIKAYATIN ANG MGA KAIBIGAN, KAPAMILYA, KA-IBIGAN, AT LAHAT NG KAKILALA NA MAG-POST RIN GAMIT ANG ATING OFFICIAL SOCIAL MEDIA RALLY PUBMAT AT CAPTION
Patuloy ang paglaban ng Mindoreño para sa lupa, hustisya, at karapatang pantao! ✊
#DefendMindoro
#DefendSouthernTagalog
#StopMilitarization
