Mga magsasaka at estudyante, nag-rali sa harap ng DPWH Bulacan

Habang palagiang nilulubog ng baha ang mga bukirin at walang ayuda o kompensasyon para sa mga magsasaka, bilyon-bilyong pondo para sa flood control ang winaldas sa ghost projects, overpriced na mga kontrata, at substandard na imprastraktura ng tinaguriang “Bulacan Group of Contractors.”

Nagprotesta sa harap ng DPWH Bulacan ang Nagkakaisang Magsasaka ng Malolos, Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan at mga estudyante ng Bulacan State University upang ipakita ang kanilang galit at poot sa malalang korapsyon. Binato nila ng putik ang tarpauline na may mukha ng Pangulo at ni dating DPWH Sec. Bonoan.

Giit ng mga magsasaka, “Dapat managot ang lahat ng sangkot—mula Malacañang hanggang DPWH!” Hindi matatahimik ang Bulacan hangga’t hindi napapanagot ang mga tiwaling opisyal at mga kontraktor.

Bukas, kasama ang mga magsasaka ng Bulacan sa malakihang pagkilos sa Luneta upang singilin mga mandarambong laluna si Pangulong Marcos Jr na lalong nagpapalubog sa taumbayan sa kahirapan.

Leave a comment