KMP: Hamon sa DTI at First Family gawin nyo ang Php500 Noche Buena challenge

Hinamon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang First Family ng mga Marcos na patunayan ang sinasabi ng DTI na “P500 Noche Buena” lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Ayon kay Danilo Ramos ng KMP, “patuloy ang pagmahal ang bilihin, at hindi naging epektibo ang price freeze kahit idineklara ang state of national calamity. “Kung talagang kaya ng DTI at ng First Family ang P500 Noche Buena, ipakita nila at sila ang unang gumawa.”

Giit ng KMP, taun-taon hindi halos nakapag salu-salo mga pamilyang magsasaka at karaniwang maralitang pamilya dahil sa taas ng presyo ng pagkain at mga produktong pang-Noche Buena. Nasa ibang planeta na naman ang DTI at halatang hindi sila namamalengke kaya hindi nila alam ang mga presyo.”

Dagdag pa ni Ramos: Nakakahiya naman sa mga Pilipinong pinagnakawan ng bilyones ng mga sangkot sa flood control corruption. Nilustay nila sa luho ang buwis ng taumbayan pero gusto nilang magtipid ang mga Pilipino.

Sa lahat ng galit at sawa na sa Korapsyon, makiisa at sumama sa protestang bayan laban sa korapsyon sa Nob. 30 sa Luneta. #

Leave a comment