ALYANSA DAGITI MANNALON TI CAGAYAN- KAGIMUNGAN
Ang nagdaang mga taon sa Cagayan sobrang pahirap para sa aming mga magsasaka, manggagawang bukid at mangingisda dahil sa paghagupit ng matitinding natural na kalamidad at delubyo na gawa ng tao.
Sinalanta ang Cagayan ng malawakang pagbaha dahil sa sunudsunod na malalakas na bagyong Super Lawin noong Oct 2016, super Bagyong Ompong noong 2018 at nitong 2019 sunod sunod na malawakang pagbaha at Tagtuyot na nagsimula noong huling bahagi ng , 2019 at unang bagahi ng 2020, lumaganap din ang sakit na African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy, Dagdag pa dito ang delubyong pagpapatupad ng Rice Liberalization Law RA 11203 noong Pebrero, 2019 at sa ngayon ay ang ‘pag-lockdown’ o ‘enhanced community quarantine’ sa buong Luzon kasama dito ang rehiyon dahil sa COVID-19.
Kaming mga magsasaka, manggagawang bukid at mangingisda sa mahabang panahon ay ang laging bulnerable o mas higit na nakakaranas ng matinding epekto nang anumang kalamidad. Sa kabila nito, kami rin ang sektor na laging naisasantabi ng gobyerno gayung kami ang pangunahing sektor na bumubuhay sa mamamayang Pilipino. Mayorya ay wala pa ring sariling lupa ang mga magsasaka. Nanatili kaming tenante, buwisan at manggagawang bukid. Nananatili ang monopolyo sa lupa ng malalaking panginoong maylupa at agro-korporasyong lokal at dayuhan.
Nasa 9 kada 10 magsasaka ang walang sariling lupang binubungkal. Tumitindi pa ang kawalan at kakulangan ng lupa dahil sa malawakang landgrabbing at kumbersyon sa mga lupang sakahan sa ilalim ni Duterte. Wala na ngang programa sa reporma sa lupa, pinapatay pa ang mga magsasaka.Gaano man ang naging pagsisikap namin para sa pagtuloy-tuloy ng aming produksyon matapos ang mga nasabing kalamidad na dumaan sa Cagayan ay hindi kami nakarekober sa aming kabuhayan. Bagkus, lugmok kami sa kahirapan at baon kami sa utang.
Paano namin ngayon hahaharapin ang pandemyang COVID-19 at ang mga patakarang ipinataw kaugnay dito kung ang aming kalagayan ay napakahirap. Ang pagpataw ng ‘lockdown’ o ‘enhanced community quarantine’ sa buong Luzon noong Marso15 hanggang Abril 14, 2020 nang walang kagyat at komprehensibong paghahanda at pagtugon para sa epekto nito sa mamamayan at sa aming mga magsasaka ay hindi katanggap-tanggap at ito ay malinaw na paglabag sa aming karapatan sa kabuhayan at para mabuhay.
Kung ito ay napaghandaan dapat sana ay nabigyan na sa kagyat ng makakain ang mamamayan na maaapektuhan ng lockdown. Batid namin ang kahalagahan ng ‘social distancing’ na sinasabi at ang iba pang mahalagang mga paalala para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 ngunit mas batid namin ang pangangailangan ng aming pamilya ng pagkain para mabuhay. Pagkain at medikal sa kagyat ang pangangailangan noong naglockdown ngunit aksyong militar at emergency powers ang ibinigay ng gobyernong Duterte.
Sa kasalukuyan dito sa Cagayan Valley ang mga magsasaka at mangagagawang bukid ay limitado na ang oras para puntahan ang kanilang sakahan/taniman. Nahihirapan na rin sa pagdala ng kanilang produkto sa mga pamilihan, hinaharang di pinapasok ang mga bayer na nagmumula sa ibang bayan kung kayat binabarat ng mga local na traders ang produkto ng magsasaka.
Bagsak ang presyo ng palay P 16-18/kilo at mais 11-12/kilo na lang at gayundin sa mga gulay repolyo P4/kilo at iba pang produkto. nangangahulugan ito ng pagkalugi sa kanilang ginastos sa produksyon. Nag aalala ang mga magsasaka kong ma extent ang enhandce community quarantine kong pagbawalan makapasok ang mga suplayer ng mga farm-inputs at iba pang gamit sa pagsasaka hundi makapagtanim ang mga magsasaka.
Sa mga mangingisda ay ganoon din ang epekto – limitado ang pangingisda at mas bumaba ang presyo partikular sa bayan ng Aparri, Sta Ana at iba pang bayan sa Cagayan. Hindi na rin makapagtinda ang mga maliliit na mga mangingisda sa mga bara-barangay na dati nilang ginagawa kaya napipilitan silang ibenta ng mas mababa sa mga komersyante ng isda, sa bayan ng Sta Anna pinagbawalan makapasuk ang mga negosyente o buyer ng isda, kong kayat dinadala pa ng mga mangingisda sa boundary ng Sta Ana At Gonzaga.
Ang lockdown bilang militaristang tugon ng rehimen sa pagharap sa krisis na dulot ng COVID-19 ay ipinatutupad hindi lang sa Luzon kundi sa buong bansa, ang mga LGUs ay gumawa rin ng kanya-kanyang paraan o sistema para ipatupad ito tulad ng inter-region, inter-province, inter-city/municipality hanggang inter-barangay na lockdown. Wala o kulang din ang nabibigyan ng ayuda o tulong na relief goods. Kung mayroon, iilan at pinipili pa ang bibigyan, limitado ang makatanggap ng relief na nagmumula sa Municipal 30% at mula sa Provincial 20% lang mula sa populasyon o household sa bawat barangay at 2-5 kilo lang sa bawat pamilya. Mula nang idineklara ni Duterte ang lockdown sa buong Luzon at sa mga probinsya partikular ang Cagayan ay tatlong beses palang nakatanggap ang karamihan ng relief goods mula sa barangay — 2 kilong bigas at noodles, sa munisipyo na 2 kilong bigas, 2 sardinas, 4 noodles, sa probinsya 5 kilos, 2 sardinas, 5 noodles.
Sa kabila ng pinangangalandakan ng gobernador ng Cagayan na walang magugutom at lahat mabibigyan ng tulong, hindi kasya ito at katunayan marami ang nagugutom. Paano mabubuhay sa 5 kilong bigas sa loob ng mahigit 3 linggo ng lockdown.
Sa esensya, isa itong sosyo-ekonomikong pagblokeyo na lumilikha na artipisyal o kasalatan ng suplay at nangangahulugan din ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa katunayan matapos ang ilang araw na lockdown sa NCR, tumaas na ang presyo ng mga pangunahing bilihin, nilimitahan nito ang galaw ng mga tao at mga produkto. Sa pangkalahatan labis na pahirap sa mamamayan ang ‘lockdown’ at sinisiil din nito ang batayang karapatan ng mamamayan para mabuhay.
Inaasahan na kapag pinatagal ito magdadala ito ng malaganap na kagutuman at ibayong kaguluhan sa bansa. Gayundin, mas marami ang mamamatay dahil sa kagutuman kaysa sa sakit na dulot ng COVID-19.
Ang panawagan at kailangan ng mamamayan ay:
1. Aksyong medikal, hindi militaristang tugon sa public health emergency ng COVID19.
- Ang kailangan ay ayuda at pagkain, hindi panunupil at pandarahas.
- Magbigay ng hindi bababa sa Php10,000 cash assistance sa bawat pamilyang magsasaka, manggagawang bukid, mangingisda at mga maralita sa kanayunan na apektado ang kabuhayan dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon at iba pang probinsya. Kagyat na ayuda hindi karahasan ang kailangan ng mga magsasaka.
- Kondonasyon sa pagbabayad ng mga sumusunod: upa at renta sa lupa, amortisasyon sa Landbank ng mga agrarian reform beneficiaries. Kondonasyon sa pagbabayad ng singil sa tubig at kuryente sa mga water districts at electric cooperatives. 5. Para matiyak ang tuloy-tuloy na produksyon ng palay at pagkain, maglaan ang gobyerno ng sapat at agarang subsidyo sa pagsasaka at pangingisda kabilang ang subsidyo sa mga binhi, pataba/farm inputs, subsidyo sa krudo, at iba pa. Php15,000 cash assistance naman para sa mga ‘rice farmers’.
- Magbigay ng mga kinakailangang mga relief goods, food packs, hygiene kits sa mga pamilyang magsasaka at mangingisda. Tiyakin rin ang paggana ng mga barangay health centers sa mga probinsya na may sapat na gamot at libreng serbisyong medikal.
- Magbigay ng mga kinakailangang mga relief goods, food packs, hygiene kits sa mga pamilyang magsasaka at mangingisda. Tiyakin rin ang paggana ng mga barangay health centers sa mga probinsya na may sapat na gamot at libreng serbisyong medikal.