Mga mahistrado ng Korte Suprema, pinayuhana na ikonsidera ang kalagayan ng mga magsasaka

Reaksyon ng mga magsasaka sa ikalawang sesyon ng ATA Oral Arguments sa Supreme Court

Nanawagan ang mga magsasaka sa mga mahistrado ng Korte Suprema unawain ang kalagayan ng mamamayan sa mga probinsya, laluna ang sitwasyon sa mga liblib na baryo at sitio na nakakaranas ng matinding militarisasyon at iba pang porma ng pag-abuso sa karapatan. “Alam namin na nag-aral at nagpakahusay sa batas ang mga mahistrado. Pero sa totoong buhay, nababalewala at nagkakaroon ng ibang interpretasyon ang mga batas. Hindi pumapabor sa mga mahihirap at ordinaryong mamamayan. Ginawa nang sandata laban sa mamamayan ang batas. Libu-libo ang nakulong dahil sa gawa-gawang mga kaso na walang piyansa.”

“Hindi na pinag-iiba ng mga pwersa ng estado ang mga karaniwang sibilyan sa mga armado. Ito ang nangyayari sa totoong buhay at lubhang nakakabahala dahil patitindihin pa ng Anti-Terrorism Act ang ganitong kalagayan,” reaksyon ni Eddie Billones, tagapangulo ng KASAMA-TK, pangrehiyong chapter ng KMP sa Timog Katagalugan sa katatapos na Oral Arguments sa mga petisyon kontra sa Anti-Terrorism Act.

Ayon sa KMP, takot at pangamba ang araw-araw na danas ng mga magbubukid lalo na sa mga lugar kung saan pinagbibitangan na mga tagasuporta o kasapi ng New People’s Army ang mga magsasaka. Nasa 315 magsasaka na ang pinaslang at karamihan ay mga nared-tag at pinaghinalaan na tagasuporta ng CPP-NPA-NDF dahil sa kanilang pakikibaka sa lupa.

“Sa maraming lugar sa bansa, hindi na makakilos ng malaya at mapayapa ang mamamayan. Sana ilagay ng mga Supreme Court Justices ang sarili nila sa katayuan ng mga magsasaka para maintindihan nila kung bakit ayaw namin sa Anti-Terrorism Law,” ayon kay Billones.

“Totoong sa mga syudad at lunsod ay nakakapag-rali at nakakapagpahayag pa ang mga tao. Nakakapag social media pa ang mga may internet. Pero sa mga probinsya, may Martial Law,” ayon sa lider magsasaka.

“Sa probinsya, kung hindi ka magsusurender, ituturing kang terorista ng gobyerno. Paano kami susurender kung sibilyan naman kami?,” paliwanag ni Billones.

Nagpaalala ang mga magsasaka sa mga Justices ng Korte Suprema na ikonsidera ang malakas na panawagan para sa pagbabasura ng Anti-Terrorism Act. #

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s