Ngayong Oktubre, bilang paggunita sa Peasant Month 2025, inilunsad ang Kampuhang Magbubukid sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City. Dito nagtipon ang mga magsasaka mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa upang manindigan para sa kanilang karapatan sa lupa at manawagan ng pagwakas sa sistemikong korapsyon na patuloy na nagpapahirap sa sektor ng agrikultura.
Habang araw-araw nating nababalitaan ang pagbulgar ng mga kaso ng pandarambong at katiwalian, kung saan ang bilyon-bilyong pondo na dapat sana’y inilalaan para sa reporma sa lupa at suporta sa mga magsasaka ay nauuwi sa bulsa ng iilan, hindi na nananahimik ang mga magbubukid. Sila na mismo ngayon ang kumikilos, nananawagan, at tumitindig: wakasan na ang korapsyon!
Ang kampuhan ay hindi lamang simbolo ng protesta: ito’y isang konkretong pagkilos at pagkakaisa. Dito nagkakaroon ng espasyo ang mga magsasaka upang maipahayag ang kanilang mga hinaing, makipagdiyalogo sa publiko at mga kinauukulan, at palakasin ang kanilang panawagan para sa tunay na reporma sa lupa at hustisyang panlipunan.
Paano Ka Makakatulong?
Ang mga malilikom na donasyon ay direktang ilalaan sa mga pangangailangan ng kampuhan: kabilang ang pagkain, inuming tubig, gamot, at iba pang mahahalagang suplay na susuporta sa mga lumalahok na magsasaka. Ngunit higit pa sa donasyon, hinihikayat namin kayo na makilahok at makiisa: dumalaw sa kampuhan at makipamuhay sa mga magsasaka. Alamin ang kanilang mga kuwento, pakikibaka, at panawagan. Ibahagi ang kanilang laban sa inyong mga komunidad at social media. At higit sa lahat, tumindig kasama nila sa laban para sa lupa at laban sa korapsyon
Mag-donate sa pamamagitan ng link na ito:

paypal.me/standwithfarmers o i-scan ang QR code sa poster.
#PeasantMonth2025
#OctoberPeasantMonth
#KampuhangMagbubukid#KampuhanKontraKorapsyon
