

Narito ang mga aktibidad ngayong Sabado at Linggo sa Kampuhang Magbubukid para sa Lupa at Laban sa Korapsyon.
Samahan at makipagtalakayan sa mga magsasakang lubog sa baha, utang, kahirapan at kawalan ng suporta subalit pinagnanakawan pa ng kurakot.
Nasa ika-apat na araw ngayon sa harap ng DAR ang mga magsasaka at manggagawa mula sa Negros. Bukas, darating ang mga magsasaka mula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan.
Bukas ng gabi, mga kabataan muli ang mangunguna sa Korapchella – ang pinakamaingay na tugtugan laban sa korapsyon.
