
Nagbubuklod, nagkakaisa, at malakas ang panawagan para sa lupa, pagkain at hustisya. Lumalaban sa pangangamkam at pagpapalit gamit ng lupa at pandarambong sa mga kalupaan at kalikasan.
Mula Norte hanggang Kabisayaan, aktibo ang mga pakikibakang magbubukid na nananawagan ng mas mataas na presyo ng produktong bukid, mas mababang gastos sa pagsasaka at mas mataas na sahod at kita ng manggagawang bukid at pagtigil ng militarisasyon sa kanayunan.
Narito ang ilan sa mga pambansang aktibidad ngayong October Peasant Month. Sumama at makiisa sa mga magsasakang lumilikha ng pagkain!
