Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa isang candle-lighting protest bilang panawagan para sa hustisya para sa Negros 19.

📍

 UP Diliman Oblation

🗓️

 Abril 26

🕔

 5:00 PM – 6:00 PM

Nitong Abril 19 sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental, 19 katao na nasawi sa gitna ng operasyon ng pasistang panunupil ng 79th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines.

Kabilang sa mga nasawi ay peasant advocate at researcher na si Errol Wendel at community organizer na si Maureen Santuyo na nagsilbi sa masa at makiisa sa kanilang laban.

Mariing kinukondena ang pasismo at karahasan ng AFP at ang karumal-dumal nitong pagpaslang sa mga inosenteng sibilyan sa Negros. Pinapanawagan ng hustisya at isang independiyenteng imbestigasyon, iginiit na may mga seryosong usapin ng paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) na nagpoprotekta sa mga sibilyan sa gitna ng armadong tunggalian.

Sa ilalim ng Memorandum Order 32 at National Action Plan for Unity, Peace, and Development (NAP-UPD), patuloy na nararanasan ng Negros ang tumitinding militarisasyon na inuugnay ng mga human rights groups sa mga kaso ng karahasan, dislokasyon, at paglabag sa karapatan ng mga komunidad.

Hindi ito hiwalay na insidente. Ito ay bahagi ng mas malawak na sistemang karahasan at impunidad na nararanasan ng mga komunidad sa kanayunan.

Dalhin ang kandila, alaala, at tapang. Gawing lakas ang lungkot at sama-samang igiit ang hustisya para sa Negros 19.

JUNK MO32 AND NAP-UPD

UPHOLD THE IHL

BERDUGONG MILITAR, PAGBAYARIN!

Leave a comment