“Irigasyon hindi iringan ang asikasuhin ng NIA” — grupo ng mga magsasaka

Nakakadismaya ang nangyayari sa National Irrigation Administration (NIA) ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Sumambulat na sa publiko ang away at bangayan ng mga opisyal ng NIA matapos na suspindihin ng Ombudsman si NIA Acting Administrator Benny Antiporda. Nangangamba ang KMP na makakaapekto sa serbisyong irigasyon ang ‘bardagulan’ sa NIA.

Pinatawan ng Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension without pay si Antiporda dahil umano sa mga reklamo laban sa kanya ng ilang opisyal ng ahensya. Ayon naman kay NIA Corporate Secretary Michelle Raymundo, ginantihan sila ni Antiporda at inilagay sa ‘floating status.’ Nakilala si Antiporda na dating Undersecretary ng DENR dahil sa Dolomite Beach.

“Napakamakasarili ng mga opisyal na ito ng NIA. Iniisip lang ang kanilang mga personal na iringan sa halip ang mas malaking tungkulin nilang tiyakin ang serbisyong irigasyon para sa mga magsasaka at sektor ng agrikultura,” ayon kay KMP chairperson Danilo Ramos. “Ang dapat inaatupag ng NIA ay kung paano mapapatubigan ang mga sakahan at palayan sa bansa. Ayon mismo sa kanilang ulat noong 2021, nasa 65 percent lang 3.128 milyon ektaryang total irrigable areas sa bansa.”

“Dapat agad maayos ang sigalot sa NIA at asikasuhin nila ang pangunahing trabaho sa pagtiyak ng operasyon at pagdebelop ng mga communal at national irrigation systems,” dagdag pa ni Ramos.

Nanawagan din ang KMP na imbestigahan ng Kongreso ang performance ng NIA kaugnay sa pagdedebelop ng irrigation systems.

“Ipinapakita lang ng sigalot at iskandalo sa NIA ang kawalan ng matibay na pamumuno sa Department of Agriculture at mga attached agencies nito,” ayon sa KMP. Nauna nang nagka-iskandalo at sibakan ng mga opisyal sa Sugar Regulatory Administration dahil sa Sugar Order No. 1 na importasyon ng asukal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s